Wednesday , December 10 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin nina Juan “Johnny” Revilla bilang bagong Vice Chairperson at Jose Emeterio “Joey” Romero IV bilang bagong Board Member ng Ahensiya nitong Martes, Nobyembre 11, sa Nida Blanca Conference Room ng MTRCB.

Nobyembre 7 nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang appointment papers ng dalawa.

Si Revilla ay isang respetadong aktor sa pelikula at telebisyon. Nagsilbi rin siya bilang kinatawan ng OFW Family Party List noong 2013. Bilang Vice Chairperson, bitbit ni Revilla ang mga karanasan at kasanayan sa industriya ng pelikula at telebisyon, pati na rin ang paglilingkod sa taumbayan.

Si Romero naman ay isang direktor sa pelikula at anak ng yumaong Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula na si Eddie Romero. Dala ni Romero ang mga kaalaman sa paglikha ng pelikula sa mahabang panahon.

Bago nito, naging MTRCB Board Member na si Romero noong 2000-2005 at napabalik noong 2011-2018.

Kasalukuyang  miyembro si Romero ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival simula 2023 at nagsilbing miyembro ng MTRCB Appeals Committee sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo mula 2024.

Tiwala si Sotto na ang dalawa ay makapagbibigay ng malaking kontribusyon sa pagpapatibay ng mandato ng Ahensiya.

“Nagpapasalamat tayo sa pagkakahirang nina Vice Chairperson Johnny Revilla at Board Member Direk Joey Romero sa MTRCB. Ang kanilang malawak na karanasan sa media, pelikula at serbisyo publiko ay tiyak na magiging mahalagang bahagi sa pagpapatatag ng ating mga programa at adbokasiya para sa Responsableng Panonood,” sabi ni Sotto.

Nagpasalamat din si Sotto kay dating Vice Chairperson Atty. Paulino Cases Jr. sa kanyang di “matatawarang dedikasyon at serbisyo sa ahensya.” Kinilala rin ni Sotto ang malaking ambag ni Cases para sa patuloy na pag-unlad ng MTRCB.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angeline Quinto Ang Happy Homes ni Diane Hilario

Angeline tinutukan kapatid na naligaw ng landas

RATED Rni Rommel Gonzales MABAIT at matulungin sa kapwa ang papel ni Angeline Quinto bilang si Diane …

Lito Lapid

Sen Lito minamaliit, pero working legislator: naghain ng 71 Bills, 14 Resolutions

I-FLEXni Jun Nardo MINALIIT man si Senador Lito Lapid nang mahalal na senador, dahil sa kakapusan ng …

Kim Chiu Lakam Chiu

Lakam Chiu sasagutin akusasyon ng kapatid na si Kim 

I-FLEXni Jun Nardo INIHAHANDA na ni Lakam Chui, sister ni Kim Chui, ang pagsagot sa mga akusayon  na …

Jeffrey Jeturian Angelica Panganiban Unmarry

Angelica inayawan, kinainisan ni direk Jeffrey 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AYAW nang makatrabaho ni direk Jeffrey Jeturian si Angelica Panganiban. Ito ang saloobin ng …

Paolo Valenciano Rico Blanco

Paolo Valenciano kay Rico Blanco: We’re simply not meant to work again

HUMINGI ng paumanhin si Paolo Valenciano sa kanilang kliyente, ang JBL Sound Fest, Cup of Joe, at sa …