SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
HINDI napigilang magpahayag ng saloobin ni Janella Salvador ukol sa nangyayaring katiwalian sa bansa kaya naman sa gitna ng question and answer ng Star Magic’s Spotlight Presscon ay sinabing suportado niya ang mga Filipino nagmartsa sa lansangan para papanagutin ang mga nagkasala.
Sinabi ni Janella na hindi siya maaaring manahimik sa kasalukuyang kalagayan ng bansa
“Hindi ko masikmura na nasa presson ako ngayong araw na ‘to at hindi ako magsi-speak up about the current happenings sa country natin,” anang aktres na hindi nakasalit sa rally noong Linggo dahil sa iskedyul.
“I would like people to know na kasama niyo ako sa laban. And it’s really really time na we all join forces and let our voices be heard. At tama na ‘yung panggagago talaga sa ating mga Filipino,” giit pa ni Janella.
Samantala, ok lang sa aktres na hindi siya napiling gumanap para sa adaptasyon ng hit na nobela sa Wattpad, ang I Love You Since 1892.
“Nalungkot din naman ako na noong nakita ko na may iba na. Siyempre, it’s a well-written book so hopefully, ma-represent ng maayos.
“Alam ko namang magagaling na artista ang kinuha nila,” pahayag pa ni Janella.
Sina Heaven Peralejo at Jerome Ponce ang napiling gumanap sa naturang adaptasyon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com