Thursday , June 4 2026
Jarren Garcia Kai Montinola

Jarren nakipagkwentuhan sa fans: kaya mahal na mahal namin siga

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKATUTUWA naman si Jarren Garcia.  Mahal niya at binibigyan ng importansiya ang kanyang mga faney.

After ng performance niya, kasama ang ka-loveteam na si Kai Montinola sa katatapos lang na 37th Star Awards For TV with partnership sa BingoPlus, ay pinuntahan niya ang grupo ng isang fan club niya, na naghihintay sa kanya sa labas ng venue. Nagpa-picture siya sa mga ito.

At hindi lang ‘yun, nakipagkwentuhan at nakipagbiruan pa siya sa mga ito. Kaya naman sobrang saya ng mga faney ni Jarren.

Sabi ni May, na member ng fan club ni Jarren, “Laging may time si Jarren sa amin kaya talagang mahal na mahal namin siya. Hindi kami magsasawang suportahan siya.”

Sundot naman ng isa, “Gwapo na, mabait pa si Darren.”

In fairness, gwapo talaga si Jarren. Kaya ‘yung isang bading na kasama namin sa panulat, nang makita niya sa awards night ang singer-actor, sinabi niya sa amin, na lagi niya itong isusulat. 

Gusto niya raw makilala at maging close si Jarren.

Talbog! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …