Monday , February 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rufa Mae Quinto Jonvic Remulla

Rufa Mae nawindang, kinilig kay Remulla

MA at PA
ni Rommel Placente

KINILIG ang komedyanang si Rufa Mae Quinto sa episode ng Politiko Talks sa Bilyonaryo News Channel nang tanungin niya si DILG Secretary Jonvic Remulla kung paano niya ito dapat tawagin.

Gusto ko lang malaman, how will I call you? Like DILG sir?” tanong ni Rufa Mae kay Remulla.

Sa halip na seryosong sagot, biglang nagbiro ang kalihim at humirit: “Puwedeng love, sweetheart,” sabay tawa niya.

Ikinahalakhak din ito ng co-anchors ni Rufa Mae na sina Marichu Villanueva at Jesus Falcis.

Tila nawindang naman si Rufa Mae sa biro at hindi agad nakatugon.

Teka lang. Ano ‘yun? Ano ‘yun? Kinilig tuloy ako. Charot!” ani Rufa Mae.

Minsan lang kita nakitang nawiwindang. Nagulat ka roon ah,” sabi pa ni Remulla.

Oo nga eh,” sabi naman ni Rufa Mae.

Sec lang, sec lang,” sagot naman ng kalihim nang seryosohin ang tanong ni Rufa Mae kung paano siya dapat tawagin.

Si Rufa Mae ay bagong anchor ng Bilyonaryo News Channel  kasama ang respetadong journalist/editor na si Marichu at abogadong si Falcis. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas talaga ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM …

Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay Debbie Lopez Ariel Daluraya

Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay Bloodletting na ginanap noong February …

Nadine Lustre Leni Robredo

Nadine muling susuportahan si Leni sakaling tatakbong pangulo

MATABILni John Fontanilla MALAYO pa man ang presidential election ay very vocal na si Nadine Lustre sa …

Bam Aquino Sexbomb

Bam Aquino mainit na tinanggap sa SexBomb concert

NAKAKUHA ng mainit na pagtanggap si Sen Bam Aquino mula sa manonood sa pagdalo niya sa Get Get …

2026 Blue Falcon Awardees V Mapa HS Grand Alumni Homecoming

2026 Blue Falcon Awardees pararangalan sa 2026 V. Mapa HS Grand Alumni Homecoming 

MATABILni John Fontanilla ISA ang inyong lingkod sa bibigyang parangal sa gaganaping 2026 Victorino Mapa High …