Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kayla Sanchez Buhain
NAGBIGAY ng mensahe si Philippine Aquatics, Inc. Secretary-General Eric Buhain, sa pagsisimula ng 2025 National Swimming Tryouts nitong Biyernes sa Teofilo Yldefonso Swimming Center sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila. Nanguna si Olympian Kayla Sanchez ang mga batikang campaigner, sa kaniyang nahigitan na qualifying time standards (QTS) sa dalawang events. (HENRY TALAN VARGAS)

Sanchez nanguna sa pagsisimula ng National Swimming Tryouts

PINANGUNAHAN ni Olympian Kayla Sanchez ang mga batikang campaigner habang agaw atensyon ang bagong salang na foreign-based swimmer sa pagbubukas ng 2025 National Swimming Tryouts nitong Biyernes sa Teofilo Yldefonso Swimming Center sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

Ang 24-anyos na si Sanchez, nanalo ng relay silver medal para sa Canada noong 2020 Tokyo Olympics bago lumipat sa Pilipinas, ay agad na nagpakitang-gilas sa kanyang dibisyon  sa pamamagitan ng pagbura sa qualifying time standards (QTS) sa dalawang event upang matiyak ang katayuan sa national team para sa 33rd Southeast Asian Games sa Bangkok ngayong Disyembre.

Kasalukuyang nangungunang babaeng manlalangoy sa bansa mula nang maging miyembro noong 2023, ang University of British Columbia alumna ay namuno sa women’s 100-meter freestyle sa loob ng 55.00 segundo para was akin ang 58.23 QTS. Ang kanyang oras ay mas mabilis pa kaysa sa 55.83 clocking ni Quah Ting Wen ng Singapore, na nakakuha ng ginto sa SEA Games noong nakaraang taon sa Cambodia.

Ang Filipino-British teen na si Heather White, 2024 Asian Age Group silver medalist, ay lumagpas din sa  QTS sa nilangoy na 56.23 segundo, gayundin ang 2023 SEA Games champion na si  Xiandi Chua (56.95) at ang nagwagi sa Hanoi noong 2022 na si Chloe Isleta (58.08).

Nakumpleto ni Sanchez ang golden double matapos manguna sa women’s 50-meter backstroke sa loob ng 29.00 segundo, nauna kay Quendy Fernandez ng Palawan (29.23) at Fil-Am SEA Games medalist na si Teia Isabella Salvino (29.85). Pareho ring nalampasan nina Fernandez at Salvino ang QTS, bagamat kulang si Salvino sa kanyang 28.99 bronze-medal time dalawang taon na ang nakararaan.

Kumana rin ang two-time World Junior Championship campaigner na si Jasmine Mojdeh ng Behrouz Elite sa pagdomina sa  women’s 200-meter butterfly sa 2:18.18, lagpas sa  QTS (2:18.26). Ginapi niya sina   Patricia Mae Santor  at (2:19.45) at  Shairinne Floriano (2:25.40) ng Ilustre East,

“Masama ang panahon ngunit may hatid  magandang resulta para sa ating mga nangungunang manlalangoy, lalo na kay Kayla (Sanchez), na ang 100-meter freestyle time ay nasa SEA Games gold-medal level na. Mayroon pa tayong apat na buwan para maghanda,” sabi ni Philippine Aquatics, Inc. Secretary-General Eric Buhain, na nagtiis sa malakas na ulan at pagbaha sa Metro Manila upang panoorin ang aksyon.

Humirit din ang Filipino-Japanese standout na si Logan Wataru Noguchi, na nagbulsa ng dalawang ginto sa QTS times. Pinamunuan ni Noguchi ang men’s 100-meter freestyle sa loob ng 50.18 segundo, tinalo ang Fil-Am world championship campaigner na si Gian Santos (51.30) at ang beteranong si Albert Amaro (51.48). Sinundan niya ito ng 26.04-segundong panalo sa 50-meter backstroke, kung saan ang kapwa Fil-Am na si Joran Paul Orogo (26.05), Fil-Mongolian Metin Junior Jason Mahmutoglu (26.53), at Ivo Nikolai Enot (26.69) ay nakapasok din sa QTS.

Ang iba pang mga gold medalists na kulang sa standard ay sina Santos sa men’s 200-meter backstroke (2:19.29), Floriano sa women’s 200-meter backstroke (2:45.16), Robin Christopher Domingo sa men’s 200-meter butterfly (2:07.36), at Alexander Lawrence Chu sa men’s 46meter freestyle (1500-1500). (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …