Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regional National Training Centers para sa grassroots sports itinutulak ng PSC
BINATI ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick “Pato” Gregorio ang mga bagong halal na opisyal ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) na pinamumunuan ng Bulgar sports editor na si Nymph Miano-Ang (gitna) matapos silang panumpain nitong Martes. Kasama rin sa larawan sina (mula kaliwa) Danny Simon (Dyaryo Aguila), Ethel Guinio (Saksi), Rico Navarro (Remate), Edwin Rollon ng Manila (Standard/Sportstek.ph), Jeff Venancio (Police Files), at Rey Nillama (Hanep). (HENRY TALAN VARGAS)

Regional National Training Centers para sa grassroots sports itinutulak ng PSC

DETERMINADO si Philipine Sports Commision (PSC) Chairman Patrick “Pato” Gregorio na maitatak ang kanyang pamana sa larangan ng palakasan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapatatag ng mga National Training Centers sa iba’t ibang rehiyon upang mapalakas ang grassroots program ng bansa.

Binigyang-diin ni Gregorio na hindi maaaring magkaroon ng matibay na pundasyon sa sports kung ang paghubog sa mga atleta ay nakasentro lamang sa Metro Manila.

“Bakit kayo nasa Rizal Memorial at sa Philsports lang nag-eensayo? Dapat nasa rehiyon na kayo,” ani Gregorio, na inulit ang suhestiyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanilang naging pagpupulong kamakailan sa Malacañang.

“Ito ang gusto ni Pangulong Marcos—na pabilisin natin ang pagtatayo ng mga National Training Centers sa mga rehiyon. Marami nang umiiral na pasilidad na kailangan lang paunlarin. Para naman sa mga lugar na walang sapat na venue, may mga natukoy na kaming lokal na talento at doon tayo magtatayo ng mga training hub,” dagdag pa niya.

Ibinahagi ng PSC chairman, na may malawak na karanasan sa basketball, boxing, at rowing, na sinimulan na niya ang pakikipag-usap sa iba’t ibang National Sports Associations (NSAs) upang masigurong ang disenyo ng mga training center ay akma sa mga konsepto at sistema ng NSAs, lalo na sa talent identification.

“Pabilisin natin ang paglikha ng mga rehiyonal na training centers. Hinikayat ko na ang mga lokal na opisyal na ampunin ang ilang piling sports, kasi kung hindi, hindi tayo uusad. Hindi puwedeng magtayo tayo ng training center tapos lahat ng sports ay andoon—mauubos ang resources. Ampunin ang mga piling sports, at hindi tayo magkakamali,” diin ni Gregorio.

Binanggit niya ang tagumpay ng walong batang weightlifters mula sa Pilipinas—lahat ay nag-uwi ng medalya sa mga internasyonal na kumpetisyon, anim sa kanila ay mula sa Zamboanga—bilang patunay na epektibo ang rehiyonal na espesyalisasyon.

“Mag-focus tayo sa weightlifting sa Zamboanga. Sa Bukidnon, maraming malalakas na boksingero at arnis players. Nakipag-usap na ako kay Senator Migz Zubiri at pupunta na kami roon sa lalong madaling panahon,” aniya.

Kabilang sa mga target na lugar para sa pagtatayo ng mga training center ay ang Ilocos Norte, Baguio, Bataan, Tarlac (kung saan matatagpuan ang New Clark City), Tayabas (Quezon), Batangas, Cavite, Cebu, Bacolod, Iloilo, Zamboanga, at Siargao.

“Magaling sa surfing at water sports ang Siargao—doon dapat natin dalhin ang mga atleta. Marami rin sa ating mga boksingero ay galing sa Visayas, at malakas sa football ang Iloilo. Ang napagkaisahan ng mga lokal at sports officials ay ‘Ampunin ang isang sport.’ Kung magtutulungan tayo, hindi tayo magkakamali,” ani Gregorio. (HNT)

Photo caption:

BINATI ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick “Pato” Gregorio ang mga bagong halal na opisyal ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) na pinamumunuan ng Bulgar sports editor na si Nymph Miano-Ang (gitna) matapos silang panumpain nitong Martes. Kasama rin sa larawan sina (mula kaliwa) Danny Simon (Dyaryo Aguila), Ethel Guinio (Saksi), Rico Navarro (Remate), Edwin Rollon ng Manila (Standard/Sportstek.ph), Jeff Venancio (Police Files), at Rey Nillama (Hanep). (HENRY TALAN VARGAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …