I-FLEX
ni Jun Nardo
MALABO ang nagsusulong sa social media ng pagbabalik ng Kalye-Serye na pinasikat ng Eat Bulagana nagpasikat sa AlDub o nina Alden Richards at Yaya Dub aka Maine Mendoza.
Eh nitong nakaraang mga araw, isang dekada na pala ang Kalye-Serye, Kaya naman nabuhay muli ang memes at videos noong kasagsagan ng ginawang series ng Bulaga.
Sumikat din sa serye ang tatlong lolas – Tidora, Nidora, at Tinidora (kung tama ang alala namin).
Sa palagay namin, malabong mangyari dahil exclusive si Alden sa GMA. Eh ni hindi nga siya makapunta sa Eat Bulaga nang lumipat ito sa TV5 dahil sa kontrata, huh!
Tapos, happily married na si Maine kay Cong. Arjo Atayde. Pangit namang tingnan na lumalandi pa siya kay Alden kahit palabas lang, huh!
May plug na Tamang Panahon ang Bulaga na ginamit sa Al-Dub noon. Hayaan na lang natin kung ano ‘yun dahil magaling naman ang think-tank ng Bulaga, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com