Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Oreta seremonyal na nanumpa bilang kinatawan ng Malabon

MALABON CITY — Opisyal nang nanumpa bilang kinatawan ng Lone District ng Malabon si Congressman Antolin “Lenlen” Oreta at bilang bahagi ng 20th Congress sa pangunguna ni Senador Bam Aquino, kilalang nagsusulong ng mga programa sa edukasyon at Kabataan, nitong Sabado, 5 Hulyo.

Tiniyak ni Oreta na kaniyang pag-iibayohin ang serbisyo publiko at pagpapaunlad ng mga komunidad sa Malabon.

Bukod kay Aquino, sinaksihan din ng mga kapamilya, kaibigan, tagasuporta, at local officials ang panunumpa ni Oreta.

Bukod kay Oreta, nanumpa rin sina Councilor Enzo Oreta and Councilor Sonia Lim na makatutuwang ng kongresista sa paglilingkod para maihatid ang tamang serbisyo para sa mga taga-Malabon at matiyak ang pagiging progresibo ng lungsod.

Bago pa man nahalal na kongresista, napatunayan ni Oreta ang paglilingkod sa kapwa lalo sa mga taga-Malabon sa loob ng tatlong terminong pagkakahalal bilang punong lungsod.

Sa ilalim ng kanyang liderato ay humakot ng iba’t ibang mga parangal ang kanyang mga proyekto at programa gaya ng Karinderia para sa Kalusugan ni Chikiting (KKC), isang community-based feeding at education program upang lalo pang pagandahin at mapangalagaan ang kalusugan ng bawat bata sa Malabon.

Nais isulong ni Oreta sa kanyang pag-upo sa kongreso ang POGI Solutions, pagtitiyak na magkaroon ng legasiya at pagtutok sa pagkain at nutrisyon, oportunidad, ginhawa ng pamilya, at impraestruktura na sesentro upang lalong itaas ang antas ng pamumuhay ng kanyang mga nasasakupan.

“This new chapter is both a return and a renewal. I’m honored to once again serve Malabon—this time bringing our local voices to the national stage. We’ll continue working to ensure that every family feels the presence and compassion of government,” ani Oreta sa kanyang inagural speech.

Sa nasabing seremonya, pinatunayan na ganap nang sinisimulan ni Congressman Oreta ang kanyang unang termino bilang miyembro ng Kamara, katuwang ng iba pang mga mambabatas sa pagbuo o pagbalangkas ng mga polisiya at panukalang batas na makatutulong sa pamumuhay ng bawat residente ng Malabon, sa partikular, at sa sambayanang Filipino, sa pangkalahatan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …