Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

60-ANYOS INA, MAG-ASAWA PATAY SA SUNOG
64-anyos padre de familia kritikal

070725 Hataw Frontpage

TATLONG magkakapamilya ang namatay sa sunog na sumiklab sa isang residential compound sa San Mateo, Rizal habang mahimbing na natutulog, madaling araw ng Linggo.

Tinukoy ang mga biktima na isang 60-anyos ginang; 30-anyos anak na babae at asawa nitong 28-anyos, pawang residente sa natupok na ancestral house sa Barangay Ampid 1.

Sugatan sa first degree burns ang 64-anyos ama ng tahanan na nagawang makatalon mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong 2:00 ng madaling araw na idineklarang first alarm.

Halos isang oras o dakong 2:59 ng madaling araw nang ideklarang fire-out ang sunog.

Sinabi ni Cecilio Ebunga, deputy chief ng Barangay Disaster Risk Reduction Management Office ng Ampid 1, natagpuan ang mag-asawang patay sa loob ng banyo. Nabigong makalabas ang dalawa kaya piniling pumasok sa comfort room at doon nakulong.

Habang ang senior citizen na ina ay nasa ikalawang palapag na natupok at natagpuan sa ground floor nang bumagsak na ang flooring. Nakaligtas ang 64-anyos mister kahit may sunog sa katawan nang makapunta sa terrace kung saan siya tumalon.

Naisugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang ‘nakaligtas’ na kinailangang lagyan ng tubo dahil nahihirapang huminga sa rami ng nalanghap na usok.

Nabatid na matagal nang nagsimula ang apoy ngunit bigong magising ang mga biktima hanggang madamay ang kotse na nakaparada sa loob ng kanilang compound.

Sinabi ng isang kapitbahay na may kakaiba siyang narinig kaya niya inalam at doon niya nakita na nagliliyab na ang harapan ng bahay ng mga biktima at gumagapang ang apoy kaya pilit nilang tinatawagan ang mga biktima hanggang pagbabatuhin ng ilang kapitbahay ang nasusunog na tahanan upang magising ang mag-anak.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang arson investigator upang mabatid ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang mga ari-arian. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …