Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PAL Marathon Kenyan
NANGIBABAW ang Kenyan runner na si Kripto naorasan ng 2:20: 02 sa 42K run men's division na tinanghal na kampeon ng 43rd Philippine Airlines Manila International Marathon na ginanap sa CCP Complex sa Roxas Blvd., Pasay City. Ang mga nagwagi sa 42K run men's division na sina Kripto (1st), Jose Fabito (2nd) at Requi Trupa (3rd) na ginawaran ng tropeo at regalo sa pangunguna nina race organizer coach Dino Jose, race director Red Dumuk (dulong kanan) at iba pang race officials. (HENRY TALAN VARGAS)

Kenyan Runners namayagpag sa 43rd PAL Manila Marathon

PLAZA ULALIM, CCP COMPLEX – Kasabay ng pagbuhos ng ulan, tila bumuhos din ang bangis ng mga banyagang mananakbo na dumomina sa ika-43 Philippine Airlines Manila International Marathon nitong Linggo ng umaga.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang Team Kenya – winasiwas ang mga kalaban sa parehong men’s at women’s division ng 42.195-kilometrong karera na dalawang ulit umikot sa Roxas Boulevard at mga lansangan ng CCP.

Hindi na hinintay ni Kripto ang huling kilometro — umalagwa agad sa Buendia Flyover at iniwan ang mga Pinoy na sina Jose Fabito (2:29:58) at Requi Trupa (2:30:57). Tumapos si Kripto sa matinding 2:20:02  bilang overall champion.

Bukod sa tropeo, regalo, at karangalan, bitbit din ni Kripto ang round-trip PAL ticket papuntang Dubai para sa susunod na international marathon.

Hindi rin nagpahuli ang kababayan niyang si Avigail na ginulat ang lahat sa kanyang 2:55:22 finish. Sunod na dumating si Lorely Magalona (3:12:54), at halos isang oras ang pagitan kay Marie Antonette (4:10:53), na ikatlo.

Sa kabila ng biglaang buhos ng ulan at baha sa ilang bahagi ng ruta — lalo na sa Roxas Blvd — walang atrasan ang mga tumakbo! May ilang parte ring inaayos na kalsada ang naging hadlang, pero hindi ito naging dahilan para umatras ang mga masisigasig na kalahok.

Sa 21.1K na Half-Marathon, hindi rin nagpahuli ang mga lokal. Roy Laudit ang unang tumawid sa finish line sa oras na 1:01:35, sinundan nina Jaypee Enano at Leonard Padawan na dikit na dikit sa isat-isa.

Sa kababaihan, lumutang ang pangalan ng beteranang si Jocelyn Elijeran (1:45:37), kasunod sina Cathy at Jenney.

Nagkaroon din ng takbuhan para sa 10K at 5K distances. Para sa kumpleto at opisyal na resulta bisitahin ang manilamarathon.com. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …