Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bad Boy MJ Raffy entry solo champ ng 2025 World Slasher Cup 2
Nasungkit nina Raffy Turingan at Joegrey Gonsalez (Bad Boy MJ Raffy entry) ang kampeonato ng ikalawang edisyon ng 2025 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby.

Bad Boy MJ Raffy entry solo champ ng 2025 World Slasher Cup 2

NASUNGKIT nina Raffy Turingan at Joegrey Gonsalez (Bad Boy MJ Raffy entry) ang kampeonato ng ikalawang edisyon ng 2025 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby sa pagtatapos ng huling yugto ng nasabing torneo noong Martes ng gabi, 27 Mayo sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Nakapagtala ng 8.5 points ang Bad Boy MJ Raffy entry para maiuwi ang solong kampeonato ng nasabing torneo, na tinaguriang Olympics of Cockfighting.

Runner-up sina sabong legend Nene Abello (Raffy Blackwater Hieronymous), Al Estudillo (AE Covina), at Jimmy Junsay (Sto. Niño Jared) na parehong nakapagtala ng tig-walong panalo at isang talo.

Samantala, nakapag-uwi ng tig-pitong panalo, isang talo at isang tabla sina DGP/ECM C/O Ronald Basilio (DGP ECM High Breaker) at Capt. JQ De Castro/Capt. VSQ (JQMT Zuma Omti CSC) sa pagtatapos ng nasabing kompetisyon.

Parehong nakapagtala ng tig-anim na panalo, dalawang talo at isang tabla sina Anthony Ramos (Taga Bukid Mad Science), JB Bernos/Jun Durano (Abra JD), at Bruno Dinero/Frank Berin (Mulawin-Bruno Diners).

Nasa 28 entries na mayroong 56 soltada ang nakipagbakbakan para sa grand finale ng nasabing torneo. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …