Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo, ‘single at complicated’ ang status ngayon

NANGGULAT na naman ang Dreamscape Entertainment unit ni Deo T. Endrinal dahil sabi niya ay sa Nobyembre pa ipalalabas ang Honesto na pagbibidahan ng limang taong gulang na si Raikko Mateo, pero heto at sa Oktubre 28, Lunes na pala.

Kaya naman abot-abot ang pasalamat ng TV executive sa cast ng Honestona sina Mr. Eddie Garcia, Melissa Ricks, Joseph Marco, Janice de Belen, Angel Aquino, Maricar Reyes, Nonie Buencamino, Melai Cantiveros, Jayson Francisco, Paulo Avelino, at Joel Torre dahil halos araw-araw daw ang tapings nila para magkaroon ng bangko.

At dahil ang pagiging honest ang takbo ng kuwento ng Honesto ay isa si Paulo sa kinulit ng entertainment press tungkol sa mga isyung kinasangkutan niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng linaw kasi nga panay ang iwas ng aktor kapag may nagtatanong sa kanya.

Kaya sa grand presscon ng Honesto kahapon ay talagang napilitan na siyang magsalita, ”siguro I’ve been aloof answering questions, hindi naman ako nagsisinungaling, I’m very private person kasi. I just want my personal life away from public, as much as possible,” medyo hirap na paliwanag ng aktor pagkatapos ng Q and A.

Samantala, inamin na finally ni Paulo na ‘single at complicated’ ang status niya ngayon kaya’t totoo ang matagal ng nasusulat na hiwalay na sila ng nanay ng anak niyang si LJ Reyes.

Ayon kay Paulo, ”sa akin okay na siguro (aminin), as you all know, complicated because I have a son and ayun.”

Matagal nang hiwalay kay LJ

Sinundot namin ng tanong ang aktor kung matagal na silang hiwalay ni LJ,”ayoko na rin pong magbigay ng specific date, pero, uhm, medyo,”alanganing sagot ni Paulo.

Ano ang naging usapan nina LJ at Paulo sa visitation rights niya sa anak nila, nakikita ba niya lagi o kapag may oras lang?

“Sinisiguro ko na may oras ako para sa bata at kapag wala akong ginagawa, as much as possible spending with my son,” sagot ng aktor at tungkol sa schedule ng pagdalaw ay, ”sa bagay na po na ‘yan, mas maganda siguro kung sa amin na lang po,” pakiusap niya.

Mutual decision daw ang paghihiwalay nina LJ at Paulo.

‘Di totoong nagpakamatay

Sa kabilang banda, klinaro rin ng aktor ang tungkol sa suicide thing ilang buwan na ang nakaraan.

“’Yung statement na ibinigay ng manager ko, ‘yun po ‘yung sinabi ko sa manager ko, medyo inayos lang ‘yung words.

“Well, first of all, it’s not true!  And noong pumutok ‘yung balita, I was working since nagdidiretso for Holy Week and ayan, nagulat din ako. Nagising lang ako may tumatawag sa akin at sabi ko nga, ‘nandito lang ako natutulog,”  natawang kuwento ni Paulo.

Hindi naman daw naapektuhan ang aktor sa nasabing isyu, ”hindi po, I am not affected by something it’s not true.”

‘Di tinanggihan si Angel

Isa pang pina-klaro namin kay Paulo ay ang tungkol sa tinanggihan daw niya siAngel Locsin sa seryeng siya sana ang leading man.

“Hindi po naman po tinanggihan, but I was considered as one of the cast, and ‘yung time na ‘yun, medyo komplikado rin po kasi ‘yung nangyayari so siguro dala rin ng pagod, mga personal issues. Iyon po, hindi ko naman tinanggihan dahil ayoko, kumbaga, I was just being considered to do and apparently, hindi ko po kaya ng mga panahong iyon,” pagtatapat ng aktor.

Nagkaroon nga ba ng depression ng mga panahong iyon si Paulo?

“Well, siguro normal po ‘yun sa tao, nalulungkot, sumasaya,” napangiting sabi ng aktor at sinundot namin ng tanong na ‘dito tumapat ‘yung panahong inalok siya ng serye at tumanggi siya dahil depressed siya?

“I wouldn’t call it depression, pero I would call it something na normal na napagdaraanan ng tao,” mabilis ding paliwanag ng aktor.

At paano nalusutan lahat ni Paulo ang kalungkutang pinagdaraanan niya, ”sa akin, sabi nga nila, time heals!  Oras lang talaga,” napangiting sabi ni Paulo.

Handa na ba uling magmahal ang isang Paulo Avelino?

“Well, magmahal ulit, ako I wouldn’t trash it, pero kung ibibigay at may darating at mararamdaman ko, bakit hindi,” nakangiting sagot sa amin ng aktor.

First time na gaganap na tatay si Paulo sa seryeng Honesto at siya ang ama ng bagets at nanay naman nito si Maricar.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …