Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam Verzosa

SV positibong kakampi ang Manilenyo

RATED R
ni Rommel Gonzales

TUMATAKBONG independent candidate si Sam “SV” Verzosa bilang alkalde ng Maynila.

Pero hindi bothered si SV kahit masasabing solo flight siya sa kanyang laban.

Sobra-sobra ‘yung mga naninira, grabe!

“Eh wala na nga akong partido, independent na nga ako pero todo pa rin ‘yung paninira nila. 

“Sobrang threatened na kasi sila kasi kakampi ko na ‘yung buong Manilenyo,” ang sigaw ni SV na sinabayan ng nakabibinging hiyawan ng napakaraming taong dumalo sa caucus niya Linggo ng gabi sa Ermita.   

Ito ‘yung mga tunay na kakampi ko. Sila po ang aking partido,” pagtukoy pa rin ni SV sa mga Manilenyong kasama niya sa gabing iyon.

Wala man akong partido, independent man ako, ang kakampi ko ‘yung mga Manilenyo. Sila ‘yung lumalaban para sa akin, sila ‘yung mga umaasa at sila rin ‘yung mga ipinaglalaban ko.

“Basta ang importante sa akin ‘yung adbokasiya ko, prioridad ko ‘yung kalusugan ng mga senior citizen, pag-aaral ng mga bata at kabuhayan ng mga walang trabaho, iyon ang importante.”

Wala man siyang kapartido, kapag nanalo siyang mayor, ay magiging team player si SV maging sino man ang mahalal na bise-alkalde.

Kasi ‘pag nandoon na po ako, ako na ang susuyo sa kanila, ako na ‘yung lalapit, ako na ‘yung mag-aabot ng aking kamay.

“Para magkaroon ng pagkakaisa. At saka sa eleksiyon lang naman ‘yung galit-galit, eh.

“Pagkatapos ng eleksiyon kailangan nating magkaisa kasi maraming umaasa,” sinabi pa ni Sam o SV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …