Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PA
ni Rommel Placente

PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga tarpaulin ng isang tumatakbong congresswoman, na ayon sa kanya ay walang katotahan. Kaya naman handa niyang idemanda ang naninira o gumagamit sa pangalan niya.

Sa pamamagitan ng Facebook post ay ipinagtanggol ni Aiko ang sarili.

Post niya as it is,”Magandang gabi po wala po akong pinapabaklas na tarpulin ng tumatakbong Congresswoman po. Di ko ugali po yan. Dahil alam ko ang pakiramdaman ng mabaklasan po ng tarpulin po. Madaming beses nga nakita nyo mismo na ubos at limas ang tarps ko po tapos gagawin ko sa ibang kandidato po yan? Una po sa lahat konsehal po ang tinatakbo ko po so anong gain ko sa ganyan po? Handa po ako mag demanda sa gumagamit ng pangalan ko sa maling pamamaraan. Wala po akong kaaway. Wag ninyo po ako isama sa laban na di ko naman po laban para magmukha akong masama po. Maraming Salamat po 🙏🏻.”

Tama naman si Aiko sa kanyang post. kKonsehal ang tinatakbo niya sa District 5 ng Quezon City. So bakit niya ipag-uutos na baklasin ang tarpaulin niyong congresswoman, to think na hindi nga niya ito kalaban, magkaiba ang kanilang tinatakbong posisyon.

Sa mga survey na isinasagawa sa mga tumatakbong konsehal sa Districrt 5 na QC,

 si Aiko ang nangunguna. Kaya siguro, sinisiraan siya ng mga kalaban niya. Pero ang mga taga-suporta ng award-winning actress ay hindi naniniwala sa mga paninira sa kanya. 

Siraan man bang siraan si Aiko ng mga kalaban niya sa politika naniniwala kami na mananalo pa rin siya sa darating na midterm election. 

Mahal si Aiko ng kanyang constituents dahil marami siyang nagawang magaganda at makabuluhang mga proyekto sa Ditrict 5 ng Quezon City. Kaya sigurado kaming hindi siya pababayaan ng mga ito sa darating na eleksiyon. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …