Sunday , August 24 2025
Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia
ANG Philippine water polo junior teams na sumikwat ng bronze medal sa boys under-21 team sa katatapos na 60th Malaysia Invitational Age-Group Water Polo Championships sa Kuala Lumpur, Malaysia. (PAI photos)

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ under-21 team  sa katatapos  na 60th Malaysia Invitational Age-Group Water Polo Championships sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa gabay ni head coach Roi Dela Cruz sa ilalim ng pangangasiwa ng Serbian mentor at consultant na si Filip Stojanovic, bumalikwas ang Filipino boys squad mula sa magkasunod na kabiguan labans a host Team A (2-20) at Team B (3-11), matapos dominahin ng Indonesian Team A, 17-7 at Indonesian Team B (15-4) para tiyakin ang bronze medal.

Nabitiwan ng Pinoy ang pagkakataong lumaban para sa ginto nang matalo sila sa Singapore, 5-16.

“It was the best finish yet by a Filipino youth team in an international water polo tournament. First medal din po ito ng ating team sa water polo since maka-silver ang ating senior squad sa SEA Games noong 2019,” ani Dela Cruz.

Ang Women’s U24 ay nagkaroon din ng masiglang laro laban sa Malaysia, Hong Kong, at Singapore. Sa kabila ng walang panalo na kampanya, si Julia Basa, isang 17-anyos na UST senior high school student at miyembro ng swimming squad sa UAAP, ang naging unang Pinay na nakaiskor ng goal sa isang water polo competition.

“We doff a hat to our young athletes, these experiences will help them prepare for the upcoming competitions, hopefully in the SEA Age-Group tilt and the SEA Games in December. PAI, under the leadership of President Miko Vargas and Secretary General and Batangas 1st District Congressman Eric Buhain, also extends our gratitude to the support of the Philippine Sports Commission (PSC Executive Director Anthony),” pahayag ni PAI Executive Director Anthony.

Bukod kay Basa, ang women’s team ay binubuo nina Sabee de Guzman, Monica Arlante, Marga Morrison-lonie, Cyril Espongja, Sam Balagot, Raesher Dela Paz, Shinloah San Diego, Ashly Addison, Josie Addison, Mitzie Llegunas, Zoe Ferrer, at Alex Picardal, habang ang junior boys ay kinabibilangan nina  Kennz Mirael Ugaban, Matthew Romero, Caleb De Leon, Lance Adalin, Matthew Dasig, Niklas de Guzman, Hugo Lopez, Ted Tolentino, Dave Geda, Andre Establecida, Julian Malubag, at Sebastien Castro.

Samantala, sinabi ni Reyes na handa na ang lahat para sa gaganaping MVP-PAI National tryouts para pumili ng mga miyembro ng koponan para sa paparating na Southeast Asian Age-Group Championship sa Teofilo Ildefonso Aquatic Center sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Ang tatlong araw na kompetisyon na nakatakda sa Abril 25-27 ay bukas para sa lahat ng local PAI-member swimmers at Filipino-based abroad na maglalaban-laban para sa 13-under, 14-15, 16-17, at 18-over age group divisions.

Ang 2014 Asian Age Group Championships gold medalist na si Jamesray Ajido ay inaasahang mangunguna sa kompetisyon sa Kabataang lalaki, habang ang 13-taong-gulang na Vietnam-based na si Hannah White, nakababatang kapatid ng multi-title na si Heather White, ang mangunguna sa  Filipino-foreign competitor. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

FIVB Kid Lat Kool Log

FIVB Men’s World Championship, ramdam na sa Cebu

UMABOT na sa Visayas, partikular sa Cebu City, ang kasabikan para sa FIVB Volleyball Men’s …

Pilipinas Senior Golf Tour Organization PSPGTO

Pilipinas Senior Golf Tour Organization (PSPGTO) binuo

Muling mabibigyan ng pagkakataon na magpamalas ng kahusayan ang mga seniors professional golfer sa pamamagitan …

Alan Peter Cayetano FIVB Mens World Championship 2025

‘Family spirit’ ng volleyball, susi sa sports tourism — Cayetano

BINIGYANG DIIN ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules ang kahalagahan ng pamilya, pagtutulungan, at …

FIG Junior World Championships

Mga Baguhang Gymnastics stars, Magpapasiklab sa FIG Junior World Championships

ISANG BAGONG henerasyon ng mga baguhang bituin sa gymnastics mula sa iba’t ibang panig ng …

Vinny Marcos Patrick Gregorio Tats Suzara

Paghahanda para sa FIVB MWCH, Mas Pinaigting sa Huling Buwan

EKSAKTONG 32 araw ang nalalabi at puspusan na ang paghahanda para sa solo hosting ng …