Tuesday , March 25 2025
Ara Mina

Ara Mina ide-delay muna ang pagbubuntis

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

ISASANTABI muna ni Ara Mina ang planong pagbubuntis. Ito ang naibahagi sa amin ng aktres nang makahuntahan namin sa isang pagtitipong ipinatawag para ipakilala si Ate Sarah Discaya.

Ani Ara, napagkasunduan nila ng kanyang asawang si Dave Almarinez na i-delay muna ang paggawa ng baby para bigyang daan ang pagsisilbi sa mga taga-Pasig. Tatakbo kasing konsehala ng District 2 sa Pasig City si Ara sa ilalim ng tiket ni Ate Sarah na tumatakbo namang mayor ng naturang lungsod.

Pagbabahagi ni Ara, nagulat ang asawa niyang si Dave sa desisyon niyang ipagpaliban muna ang planong mag-anak. Hindi rin kasi ine-expect ni Save na sasabak siya sa halalan ngayong Mayo 2025. Subalit nilinaw niyang suportado siya 100 percent ng asawa sa gagawing pagsisilbi sa mga taga-Pasig.

Sinabi pa ni Ara na pwede naman siyang magbuntis sa kalagitnaan ng kanyang political career. Pakiramdam kasi ng aktres, calling niya ang pagseserbisyo sa publiko dahil ang kanyang lolo at biological father ay mga public servant. 

Samantala, ka-tiket nga si Ara ni Ate Sarah na nakilala niya sa isang medical mission ng St. Gerrard Construction Charity Foundation na pinamumunuan ng tumatakbong mayor. Si Sarah ang humikayat kay Ara na pasukin ang politika.

Naniniwala kasi si Ate Sarah na malaki ang maitutulong ni Ara sa kanyang adbokasiya at plano para sa kanilang distrito.

Hindi naman ako um-oo agad. Sabi ko magdarasal pa ako. Asking for a sign. Kakausapin ko pa ang pamilya ko. So mga three months akong nagdasal bago ako nakabalik sa kanya para mag-decide to run,” ani Ara.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ashley Ortega Herlene Budol

Herlene  gustong pumasok sa PBB, Ashley ipagtatanggol

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG hindi nagustuhan ni Herlene Budol ang nangyayari sa kaibigang si Ashley Ortega. Si …

Buboy Villar Khrizza Mae Sampiano

Isay sagot sa mga dasal ni Buboy

MA at PAni Rommel Placente SA podcast ni Tuesday Vargas na Your Honor na birthday episode ni  Buboy Villar, ini-reveal …

Puregold CinePanalo 2025 acting awards

Panalo mga parangal ng Cinepanalo ng Puregold 

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI mahulugang-karayom ang Eton Centris Events Place nang dumating kami sa Gabi …

Kim Rodriguez

Kim pinusuan pa-bathing suit sa socmed 

MATABILni John Fontanilla WAGING-WAGI sa netizens ang pa-one-piece bathing suit ng Kapamilya actress na si Kim …

Alden Richards

Alden suportado Lights, Camera, Run! Takbo para sa Pelikulang Pilipino

MATABILni John Fontanilla PANGUNGUNAHAN ni Alden Richards ang gaganaping fun run na Lights, Camera, Run! Takbo Para sa …