Wednesday , April 2 2025
PhilCycling National Championships

PhilCycling National Championships magsisimula ngayong Lunes (Pebrero 24)

HIGIT sa 500 siklista ang maglalaban-laban sa PhilCycling National Championships para sa Road na magsisimula sa Criterium races sa Lunes (Pebrero 24) sa Tagaytay City.

Ang mga karerang ito ang magtatakda ng komposisyon ng pambansang koponan sa road cycling ngayong taon at kabilang dito ang mga kategorya ng Men and Women Elite, Under-23, Junior at Youth sa Criterium, Individual Time Trial (ITT), at Road races.

Ang championships ay inihahandog ng MVP Sports Foundation at Standard Insurance at inorganisa ng PhilCycling na pinamumunuan ni Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino, na siya ring pangulo ng Philippine Olympic Committee.

Mayroong 111 kalahok sa Men Elite, 133 sa Under-23, 116 sa Junior at pinagsamang 97 sa Youth 1 at 2 sa championships na sinusuportahan din ng Tagaytay City at Excellent Noodles pati na rin ng Philippine Sports Commission, na sumusuporta sa pambansang koponan ng cycling.

Ang roster para sa mga karera ng kababaihan ay pinal na ayusin sa Linggo ng umaga sa pulong ng mga team managers, coach at mga siklista sa Sigtuna Hall sa loob ng Tagaytay City Atrium.

Ang Criterium races ay gaganapin sa isang 2.1-km na circuit sa Isaac Tolentino Avenue at Acle, Mahogany at Crisanto Tolentino streets na ang start-finish ay nakatakda sa Praying Hands monument.

Sa Martes, magpapatuloy ang championships sa Nasugbu at Tuy sa Batangas para sa Individual Time Trial races na susundan ng Road events mula Martes hanggang Biyernes sa isang 44-km na circuit na may start-finish area sa Barangay Putol sa Tuy at ang ruta ay tatawid sa pambansang kalsada sa Nasugbu, Balayan at Lian.

Ang championships ay sinuportahan din ng mga Mayors na sina Jose Jecerell Cerrado (Tuy), Emmanuel Salvador Fronda II (Balayan), Antonio Jose Barcelon (Nasugbu), at Joseph Peji (Lian).

About Henry Vargas

Check Also

PNVF Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Second Nuvali Open

Ilulunsad ng PNVF ang Rebisco AVC Beach Volleyball Tournament sa Nuvali

Babalik ang aksyon sa Lungsod ng Santa Rosa sa Nuvali Sand Courts ng Ayala Land …

Battle of Calendrical Savants sa Abril 9

‘Battle of Calendrical Savants’ sa Abril 9

TALASAN ng isip ang matutunghayan ng sambayanan sa pagsabak ng mahigit 10 henyo sa ‘Battle …

1st TOTOPOL International Veterans Table Tennis Invitational sa Ayala Malls 30th

1st TOTOPOL International Veterans Table Tennis Invitational sa Ayala Malls 30th

Asahan ang mga kapanapanabik na aksyon sa paglalaro ng mga premayadong beteranong table tennis netters …

Tats Suzara Alas Pilipinas womens volleyball

Alas Pilipinas Women’s 33 wish lists inimbitahan sa tryouts – Suzara

TATLONGPU’T tatlong mga prospect—kabilang na ang 15 kasalukuyang miyembro ng Alas Pilipinas—ang iimbitahan sa isang …

Alex Eala

Sa WTA Miami Open   
19-ANYOS PINAY WILD CARD GINAPI  WORLD NO. 2, 5 GRAND SLAM CHAMP

ni MARLON BERNARDINO NAGBUNYI ang Filipino sports enthutiasts nang pumasok sa semi finals round ng …