Wednesday , April 2 2025
Game on! Pilipinas, host ng Asia-Pacific Padel Tour 2025
PINANGUNAHAN ni Asia Pacific Padel Tour (APPT) president Carlos Carillo ng Spain (gitna) kasama sina (mula sa kaliwa) Joanna Tao Yee Tan APPT Female PRO #2, Atty. Jacqueline Gan, Padel Pilipinas executive director, Xueting Ye (JOMA), David Maxwell APPT Director, Bryan Joshua Casao Play Padel & Padel Pilipinas Head Coach, at Argil Lance Canizarez Padel Pilipinas Team Captain sa idinaos na pulong balitaan para sa kauna-unahang torneo na Asia Pacific Padel Tour Manila Open sa Greenfield District sa Mandaluyong City. Ang Padel Pilipinas na organizer ng torneo ay itinatag ni public servant / sportswoman Senator Pia Cayetano, ilang taon na ang nakaraan at nakapag-ambag na rin ng karangalan sa bansa. Ang torneo ay lalahukan ng higit 20 bansa na magsisimula ngayong Biyernes hanggang Linggo ay bukas sa publiko ng libre. (HENRY TALAN VARGAS)

Game on! Pilipinas, host ng Asia-Pacific Padel Tour 2025

Handa nang ipakita ng Pilipinas ang husay nito sa padel sa pagtatampok ng Padel Pilipinas ang Asia-Pacific Padel Tour (APPT) sa Play Padel, Mandaluyong mula February 21 hanggang 23.

Mahigit 100 teams mula sa 20 bansa ang lalahok sa makasaysayang kompetisyon, patunay na patuloy na lumalakas ang padel sa rehiyon ng Asia-Pacific.

Bagamat hindi siya nakadalo sa press conference nitong Huwebes, ipinahatid ni Senador Pia Cayetano, founder ng Padel Pilipinas at matagal nang tagasuporta ng sports, ang kanyang buong suporta sa APPT.

Ayon kay Atty. Jacquelin Gan, Executive Director ng Padel Pilipinas, malaki ang papel ng torneo sa pagpapalaganap ng padel sa bansa, lalo na sa inisyatiba ni Cayetano na ipakilala ito sa mas maraming Pilipino.

“Part of her [Cayetano] vision is three key goals, among many others. First, to implement the nationwide grassroots program, making padel more accessible to Filipinos. Over time, this includes efforts to develop public courts,” sabi ni Gan.

“We are also focused on developing our national team, and as the Federation expands the sport’s reach in the Philippines, we prioritize community building,” dagdag niya.

Nagpasalamat naman sina APPT Director David Maxwell at APPT CEO/ Co-founder Carlos Carillo sa suporta ng mga lokal na partner na naging susi para madala ang torneo sa Pilipinas.

“We have a great representation from the Filipino Padel community so (we are) hugely grateful for the support of this club and the community,” sabi ni Maxwell.

Samantala, puspusan na ang training ng Philippine team simula pa noong Enero, ayon kay head coach Bryan Casao.

“Everyone is in shape, everyone is ready, everybody is excited to play — even me coaching them on the sideline,” sabi ni Casao.

Dagdag pa niya, ang matagumpay na pagho-host ng pitong national padel tournaments sa mga nagdaang taon ay patunay na kaya ng Pilipinas mag-organisa ng mas malalaking international competitions.

Sa pagpasok ng APPT sa rehiyon, tiyak na magpapainit ito ng excitement sa mga Pinoy padel fans, dahil mapapanood na nila ang kanilang mga paboritong manlalaro na sumasabak sa padel action.

About Henry Vargas

Check Also

PNVF Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Second Nuvali Open

Ilulunsad ng PNVF ang Rebisco AVC Beach Volleyball Tournament sa Nuvali

Babalik ang aksyon sa Lungsod ng Santa Rosa sa Nuvali Sand Courts ng Ayala Land …

Battle of Calendrical Savants sa Abril 9

‘Battle of Calendrical Savants’ sa Abril 9

TALASAN ng isip ang matutunghayan ng sambayanan sa pagsabak ng mahigit 10 henyo sa ‘Battle …

1st TOTOPOL International Veterans Table Tennis Invitational sa Ayala Malls 30th

1st TOTOPOL International Veterans Table Tennis Invitational sa Ayala Malls 30th

Asahan ang mga kapanapanabik na aksyon sa paglalaro ng mga premayadong beteranong table tennis netters …

Tats Suzara Alas Pilipinas womens volleyball

Alas Pilipinas Women’s 33 wish lists inimbitahan sa tryouts – Suzara

TATLONGPU’T tatlong mga prospect—kabilang na ang 15 kasalukuyang miyembro ng Alas Pilipinas—ang iimbitahan sa isang …

Alex Eala

Sa WTA Miami Open   
19-ANYOS PINAY WILD CARD GINAPI  WORLD NO. 2, 5 GRAND SLAM CHAMP

ni MARLON BERNARDINO NAGBUNYI ang Filipino sports enthutiasts nang pumasok sa semi finals round ng …