Friday , May 9 2025
D Shipper RS-BBB RCF E Bros-Balaraw solo champion sa World Sasher Cup
TANGAN ang eleganteng tropeo na solo champion ang pinagsamang entry nina J. Bacar/RCF/B. Joson/E. Brus/F. Maranan na dinaluhan nina Bb. Pilipinas 2024 1st Runner up Cristal Jean Dela Cruz, Bb. Pilipinas International 2024 Myrna Esguerra at Bb. Pilipinas Globe 2024 Jasmin Bungay sa awarding ceremony ng katatapos na World Slasher Cup 9-Cock Derby na ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City. (HENRY TALAN VARGAS)

D’ Shipper RS-BBB RCF E’Bros-Balaraw solo champion sa World Sasher Cup

ITINANGHAL  na solo champion ang pinagsamang entry nina J. Bacar/RCF/B. Joson/E. Brus/F. Maranan sa katatapos na  World Slasher Cup 9-Cock Derby na ginanap sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Nakapagkamit ng 9-0 win-loss ang  D’ Shipper, RS-BBB, RCF, E’Bros-Balaraw entry upang masungkit ang solong kampeonato ng naturang kompetisyon, na tinaguriang Olympics of Cockfighting.

Nakuha naman ni Engr. Emer Sumigad (ES Matrix Blackrooster Peejay Curly Top JAA) ang solo runner-up matapos magtala ng 8.5 points sa pagtatapos ng huling round.

Samantala nagtala naman tig-walong panalo at isang talo sina Ricky Magtuto, Aurelio Yee at Raffy Turingan, Bonbon Aga, at ang pinagsamang entry nina James Uy/Papa Bravo/Jun Jun Sy/Frederick Sy.

Nakapagtala naman ng 7.5 points ang combined entry nina Capt. Vonn Mark Antenor at Boss Baroy Estoperes.

Nakapitong panalo at dalawang talo ang pinagsamang entry nila A. Ramos/E Calibozo/E. Chua/J. Marasigan, James Rabano, Gaddiel Malinay at Carlos Timbol, dalawang entries ni Engr. James Rabano/Engr. Emer Sumigad/SB, Carlo Arguelles/Aries Alvarez, Allan Villegas/Obet Bello, eight-time World Slasher Champ Frank Berin at Gon Zomora.

Abangan ang pangalawang edisyon ng nasabing torneo sa Mayo sa Smart Araneta Coliseum. (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …