Friday , January 10 2025
YANIG ni Bong Ramos

Another year over, a new one just begun

YANIG
ni Bong Ramos

WAGI at napagtagumpayan nating tapusin at lagpasan ang lumipas na taon 2024 na nakatuntong pa rin ang dalawang paa sa mundong ibabaw.

Congratulations sa ating lahat na nakayanan ang lahat ng pagsubok, mga hamon sa buhay, at sakripisyo sa nakaraang 2024.

Isa na namang panimula ang tatahakin natin at dapat tapusin hanggang dulo at ito ang bagong taon na 2025 na wala pang nakaalam ng magiging kaganapan.

Muli sana tayong maging matatag, malakas, at matapang upang harapin ang mga bagay na inaasahan at ang hindi inaasahan.

Isang aral lang ang dapat nating pakatandaan at ito ang pagkakaisa at bayanihan ng bawat Filipino.

Kung nagawa nating harapin ang pandemya at kung ano-anong kalamidad noong mga lumipas na taon, siguradong makakayanan din natin ang mga idudulot ng bagong taon nating haharapin.

Sa bungad pa lang ng taong 2025 ay marami tayong haharaping kaganapan tulad ng Traslacion at Pista ng Tondo na ngayon pa lang pinag-uusapan ang preparasyon at kung ano ang mga dapat gawin.

Saksi tayong lahat na ang mga selebrasyong ito ay dinadalohan ng milyong katao at mga deboto.

Walang kasiguruhan kung mapapanatili ng gobyerno ang kaayusan at kalakaran sa mga kaganapang ito.

Tanging Diyos lamang ang nakababatid at dapat nating hingan ng gabay at patnubay sa lahat-lahat.

Magaganap din sa Mayo 2025 ang mid-term election na nakasalalay sa ating mga inihalal na kandidato ang kinabukasan ng bansa.

Hindi rin maipapangakong magiging tahimik at matiwasay ito dahil iba-ibang paraan ang iniisip ng mga kandidato maupo lang sila sa kapangyarihan.

Ito pa rin bang kasalukuyang administrasyon ang mamamayagpag o baka naman maagaw ng iba ang liderato at mayoridad ng mga mahahalal.

Ano man ang maging resulta ay tanging Diyos lang din ang makaaalam — Vox Populi Vox Dei (The voice of the people is the voice of God).

Itong mga kaganapang ito ay inaasahan at alam nating magaganap. E paano ang mga hindi inaasahan tulad ng mga natural calamity, pandemya, salot, sakit, at iba pa.

Come what may, pero isang bagay lang ang dapat nating gawin, ito ay ang pagkakaisa at bayanihan pa rin ng mga Filipino ano pa man ang dumating.

Kailangan nating magbugkos-bugkos tulad ng isang walis-tingting na lalong tumitibay kapag pinagsama-sama.

When the day is done, kapag hindi na talaga kaya ng power natin, wala na tayong ibang dapat puntahan kundi ang ating Panginoon, siguradong tutulungan niya tayo at gagawa ng paraan.

Another year over, a new one had just begun… Mabuhay!

About Bong Ramos

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

FPJ Panday Bayanihan Partylist patok sa masa

SUMISIKAT sa masa ang party list na FPJ Panday Bayanihan party-list. Isa sa mga pangunahing …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: kulelat na sa Pulse Asia, kulelat pa rin sa SWS

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magbabago ng taktika si Senator Imee Marcos sa kanyang ginagawang …

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …