SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
PANG-GEN Z. Ito ang iisang komento ng mga nakapanood ng meta horror movie na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital na pinagbibidahan nina Enrique Gil, Alexa Miro, Jane de Leon, MJ Lastimosa, Rob Gomez, Raf Pineda, at Zarckaroo.
Iba rin ang pelikulang ito na napag-alaman naming 27 ang camera a ginamit dahil bawat isa sa pitong bida ay tig-tatlo ang dala-dalang camera. Sila kasi mismo ang cameramen o kumukuha ng mga nangyayari.
Napapatawa na nga lang kami sa sinehan dahil walang humpay na tilian ang mga nanood nito sa Premiere Night noong Disyembre 19 sa Cinema 3 ng SM Megamall.
At dahil magbabarkada at mga teen ang bida, tiyak na magugustuhan ito ng magbabarkada kaya magkaayaan na sa panonood at humanda sa pagsigaw. Basta tumabi sa hindi nananakit dahil ang ilan eh kapag natatakot, nagkakapisikalan. ‘Yun bang namamalo ng katabi.
Ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ay maihahalintulad sa pelikulang The Blair Witch Project noong 1999.
Ani Enrique na nakausap namin bago ang premiere, “We’re playing as ourselves, so just be true to yourself sa kahit ano mang sitwasyon na madaraanan. Paano ka ba? Paano mo gagawin?”
At nasabi ni Enrique na pinaka-challenge sa kanya iyong pagsu-shoot nila sa Tiawan dahil abandoned place talaga iyon. “At dahil sa Taiwan kami, hindi mo control ‘yung weather. Pag umulan, baha sa loob. Kasi abandoned nga siya, tapos may mga butas na sa bubong.”
Bukod dito, marami ring panganib. Ayon kay Quen, maraming butas ang sahig na any moment ay puwede silang mahulig plus malamok.
At dahil isa siya sa prodyuser, tiniyak naman niyang lahat sila ay insured dahil na rin sa mga panganib na kinaharap nila.
Ukol naman sa usaping bakit sa Taiwan ginawa ang pelikula, anang prodyuser na si Dondon Monteverde, “We wanted to bring in a different texture. Different sensibility when it comes to horror.
“Kahit adaptation siya, siyempre hindi naman ginaya talaga totally. Ginawa nating Pinoy pa rin ;yung touch, with the touch of Taiwan.”
Kaya kung gusto ninyo ng kakaibang horror, itong Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ang bagay sa inyo na mapapanood na rin simula December 2.