Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Julia Montes Topakk

Coco hindi naitago pagkabilib kina Arjo at Julia, Topakk pang-internasyonal

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BILIB na bilib si Coco Martin kay Julia Montes kaya hindi ito napigilang sabihing, “Natalo ako.”

Isa si Coco sa mga sumuporta at nanood sa isinagawang Grand Premiere Night ng Topakk sa Gateway Cinema noong December 19 at talaga namang proud na proud siya kay Julia.

Action star si Coco patunay ang FPJ’s Ang Probinsyano at Batang Quiapo pero sobra siyang bumilib kay Julia sa MMFF entry ng Nathan, ang Topakk.

“Dinaig ako. Sobrang ganda. Ito ang action, nakaka-miss,” turan ni Coco matapos ang screening. 

“Thank you sa ‘Topakk’ kasi sa December 25, po may mapapanood ang mga lalaki, mga barako, may pelikula silang aabangan,” pag-anyaya ni Coco sa mga tulad niyang mahilig sa aksiyon.

Pinuri rin ng aktor ang pelikulang Topakk, aniya, “Para siyang nag-upgrade. Para siyang pang-international na talaga. Nakaka-proud, para kay Direk Richard Somes, kay Arjo, kay Julia, kila Sid,” sabi pa ni Coco.

Nasiyahan din sa kanilang panonood ang mga kaibigang aktor na sumuporta sa Topakk. Ilan dito ay sina Maricel Soriano, Lorna Tolentino, Rosanna Roces, at Ron Martin.

Maging si Maine Mendoza ay naroon din noong gabing iyon para bigyang suporta ang asawang si Arjo. 

Pinalakpakan ang Topakk pagkatapos ng screening at lahat ay hindi napigilang magsabi kung gaano ito kaganda.

Sa totoo lang, kung gusto ninyo ng hard action, ito iyon! Katulad ito ng mga pelikula na napapanood sa ibang bansa o sa Netflix kaya tama ang tinuran ni Coco na pang-internasyonal ang kalidad ng pelikula na prodyus ng Nathan Productions na pag-aari ni Sylvia Sanchez.

Kaya kapag nanood kayo ng Topakk hawak agad sa inyong mga upuan dahil umpisa pa lang bakbakan na at umaatikabong aksiyon ang mapapanood.

Pero hindi lang naman puro aksiyon siyempre ang makikita sa pelikula nina Arjo, Julia, Sid Lucero, Enchong Dee, Koko de Santos at marami pang iba. May puso rin ang istorya kung paanong pinahalagahan ang pagkakaibigan at pamilya gayundin kung paanong ang isang maysakit ng PTSD ay maghasik ng lagim, ng galit kapag binuska.

Ibang Arjo at Julia ang napanood namin. Talagang ibang-iba  na rin ang galing ni Arjo na kung mahusay na siya noon, lalo rito. Pansinin ninyo ang mata niya kung paano umarte at ang galing ng mannerism na ipinakita niya na talagang hahangaan mo. Si Julia iba rin pala magalit at umaksiyon. Tama si Coco puwede siyang talunin. Hindi ininda ang pagkakababad sa ulan ng ilang oras. 

Natanong namin si Julia ukol sa eksenang iyon at ang sabi niya hindi na niya naisip ang lamig o sakit ng katawan dahil sa oras na iyon galit ang namuno sa kanya na kailangan niyang maipaghiganti ang taong nawala sa kanya.

Kahit nga may mga eksena ring napako ang tuhod niya, binalewala rin ng aktres dahil nahiya raw siya kung ipatitigil niya ang eksena.

Sa galing ng dalawa hindi imposibleng makakuha sila ng award. Binabati rin namin ni si direk Richard Somes samaayos na pagkakadirehe at maayos ang pagkakalatag ng istorya. Basta humanda kayong mapagod at for sure hindi ninyo mapipigilan mapahiyaw, mapatili, mapapalakpak sa galing. 

Mapapanood ang Topakk  sa mga sinehan simula December 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …