Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Royce Cabrera Green Bones

Royce Cabrera nawindang kay Dennis Trillo

RATED R
ni Rommel Gonzales

SI Dennis Trillo ang pinakamadalas na kaeksena ni Royce Cabrera sa Green Bones, kaya naman feeling nasa cloud nine ang binata dahil idolo niya ang Kpauso Drama King.

Dito madalas kong kaeksena si Kuya Dennis,” umpisang kuwento ni Royce sa amin.

Kumusta kaeksena ang isang Dennis?

Wow,” bulalas ni Royce, “sabi ko nga kay Kuya Dennis, ‘Pag may time, papaturo ako ng tips and techniques sa iyo.’

“Kasi si Dennis Trillo, isa ‘yan sa mga idolo ko sa pagiging aktor. And ayun po, na-witness niyo ‘yung trailer pa lang.

“‘Yung sinabi kanina ni Sir Mike [Michael] de Mesa na ‘yung magic ni Dennis, which is kitang-kita po talaga.”

Unang pelikula rin ito ni Royce na makasama si Dennis na kilalang mahusay na dramatic actor.

Na-starstruck at nawindang si Royce noong malamang makakasama niya si Dennis sa isang proyekto.

Yes po,” pakli ni Royce. “Isa po ‘yun sa mga ikinonsidera ko rin noong nakita ko ‘yung script niyong ‘Green Bones.’ Noong in-offer sa akin ‘yung role, na may Dennis, sabi ko pagkakataon ko na ito, isa rin ‘yun sa dahilan.”

Sa direksiyon ni Zig Dulay at sa panulat nina National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Leeat MMFF 2023 Best Screenplay winner [for Firefly] na si Anj Atienza, kasama rin sina Alessandra de Rossi, Ronnie Lazaro, Wendell Ramos, at sina Iza Calzado at Nonie Buencamino sa espesyal na partisipasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …