TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN Group (pangatlo mula sa kaliwa) kasama sina (L-R) Rustica Faith So, ASICS Senior Brand Communications Executive; Hon. John Marvin “Yul Servo” Nieto, Vice Mayor City of Manila; Melissa Henson, Chief Marketing Officer, A|A Philippines; at si Charlie Dungo ng Department of Tourism Culture and Arts ng Maynila, sa inilunsad na ikatlong taon ng ASICS Rock ‘n Roll Running Series sa espesyal na edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum noong Martes sa Robinsons Place sa Ermita, Maynila.
Ang kaganapang global ay may apat na kategorya na 5K, 10K, 21K at 42K na pinagsasama ang pagtakbo, musika, at ang komunidad, ay magdadala sa mga kalahok sa mga makasaysayang lugar sa Maynila. Gaganapin sa 23-24 Nobyembre, na magsisimula sa Luneta Park KM 0 (zero), papunta sa National Museum, Manila City Hall, Fort Santiago, Chinatown sa Binondo, Manila Bay strip, at magtatapos sa Katigbak Parkway.
Ang ruta ay sertipikado ng World Athletics Association ng International Marathons and Distances Races (AIMS) at natugunan ang mga kinakailangan sa kaligtasan, katumpakan ng ruta, at kalipikado para sa World Marathon Majors.
Ang PSA forum ay itinaguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, at ang 24/7 sports app ng bansa na Arena Plus. (HENRY TALAN VARGAS)