I-FLEX
ni Jun Nardo
WALANG kompirmasyon mula sa producer ng Isang Himala: The Musical na si Madonna Tarrayo kung magiging bahagi ng nasabing pelikula na official entry sa MMFF 2024 kung mapapabilang sa cast ang superstar na si Nora Aunor.
“Abangan na lang natin,” sambit ni Madonna sa announcement ng last five entries ng MMFF.
Kinausap namin ang kaibigang writer na malapit kay Ate Guy, si Rodel Fernando. Sinabi niyang may kumausap kay Ate Guy na involved sa movie. “Hanggang doon lang ang pag-uusap po. Wala nang kasunod,” sagot ni Rodel.
Sa totoo lang, title ng MMFF movie ni Nora na Himala ang festival entry. Si Nora ang nagpasikat ng linyang, “Walang himala!”
Kaya, Noranians, abangers lang!