Sunday , November 24 2024
Sylvia Sanchez Arjo Atayde Julia Montes Topakk

Sylvia nanlamig, kinabahan sa anunsiyo ng Second Batch MMFF entries

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAKING bagay para sa isang baguhang prodyuser tulad ni Sylvia Sanchez ang makasali sa Metro Manila Film Festival. Lalo’t espesyal ang pagdiriwang ngayong taon ng festival dahil sa ika-50 taon nito.

Nakapasok kasi ang pelikulang Topakk ng Nathan Studios ni Sylvia sa MMFF 2024 na inanunsiyo kahapon sa Second Batch Announcement na pinangunahan ni dating MMDA-MMFF chairman Benjur Abalos kasama sina MMFF Executive Committee at Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Don Artes, MMFF Executive Committee head Boots Anson Roa-Rodrigo, at Jesse Ejercito. Ang Topakk ay pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes at pinamahalaan ni direk Richard Somes.

Isa kami sa nagulat nang marinig na kasama ang Topakk sa lima pang entries ng MMFF dahil hindi naman ito naikuwento ni Ibyang (Sylvia). Wala rin kasing nabanggit ang aktres nang magkita kami sa unang announcement ng Top  5 entries na mga kasali sa MMFF 2024. 

Nag-o-observe lang at sumusuporta,” ang tandang sagot sa amin ni Sylvia nang usisain ito kung bakit dumalo sa unang announcement ng Top 5 MMFF entries.  

Kaya naman talagang natuwa kami para kay Sylvia na sa unang pagkakataon at sa unang pagpo-prodyus nakapasok agad ang kanilang pelikula.

Kuwento sa amin ni Sylvia, “Malaking bagay para sa isang baguhang producer (na makasama sa MMFF). Iba ‘yung feeling na rito (Pilipinas) ka mare-recognize. 

“Iba pa rin ang Pinoy,” giit pa ng premyadong aktres.

Isa ang Topakk sa apat na Filipino films na nagkaroon ng exclusive screenings sa Marché du Film, ang business arm ng prestigious Cannes Film Festival, na isinagawa sa France noong May 16 to 26, 2023 kasama ang mga pelikulang Her Locketni J.E. TiglaoGrace ni Ato Bautista, at I Am Ninoy ni Vince Tañada. Kaya naman talagang very proud si Sylvia sa pagkakasama ng Topakk sa MMFF 2024.

Ang Topakk ay ukol sa ex-special forces operative na nakakaranas ng post-traumatic stress disorder (PTSD), na sa kanyang bid para sa pagtubos bilang isang security guard, sinubukang iligtas ang buhay ng isang babae na hinahabol ng isang corrupt na police death squad na nagtatrabaho para sa isang drug cartel.

Sa kabilang banda nakatutuwa rin ang kuwento ng kasamahang Anna Pingol ukol kay Sylvia. Anito, kabang-kaba si Sylvia at nanlalamig ang kamay habang inaanunsiyo ang limang nakapasok pa sa MMFF 2024 na siyang kukompleto sa 10 entries ng festival. At tulad namin, hindi rin alam ni Anna na nagsumite si Sylvia ng pelikula para masali sa SineSingkwenta ng MMFF

Ani Anna, “Katabi ko si Ibyang (@sylviasanchez_a) during the announcement ng last five picks ng MMFF2024 kahapon sa Podium Hall. Nagulat pa ako dahil di ko naman alam na pinasok nila sa #mmff ang #Topakk. Pero mas nagulat ako nang hatakin niya ako at kandungin… i-pacify ko daw siya at kinakabahan siya…Feeling nawi-wee-wee si accla at nung finally in-announce na napili ang Topakk, nanlalamig ang kamay ni Lola.”

Ngayon pa lang masasabi naming hindi mapapahiya ang Nathan Studios sa kanilang entry dahil napakaganda ng pelikula. Kung hilig ninyo ang action, tamang-tama ito dagdag pa ang magandang istorya gayundin ang magagaling na aktor. Kung ilang beses nang kinilala abroad ang galing ni Arjo idagdag pa si Julia na nagwagi ng Best Actress award sa 7th The Entertainment Editors’ Choice Awards para sa pelikulang Five Breakups and a Romance. Kaya tiyak na kung gusto ninyo ng quality movie, isa itong Topakk na action/thriller. Abangan sa December 2, 2024.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …