Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong medalya sa lima at angkinin ang Most Outstanding Swimmer (MOS) award sa premier class sa pagtatapos ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) “Go Full Speedo” Swim Series Leg 2 Championships nitong Linggo sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa Malate, Maynila.

Ang 20-anyos na protégé ng Ayala Harpoons Swim Club ay nanguna sa girls 19-over 200-meter backstroke at 1,500-m freestyle, na nagtala ng 2:35.62 at 19:18.62, ayon sa pagkakasunod para tanghaling winningest swimmer sa dalawang araw na event na inorganisa ng PAI at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at Speedo.

Tinalo ni Melencio sina Dianna Celyn Cruz ng Ilustre East Aquatic (2:41.25) at Iammejen Lopez ng D’Ace Seahawks sa 200-m backstroke, bago dominahin ang field sa 1500-m freestyle kasama ang kanyang mas malapit na karibal na si Rio Balbuena ng Ilustre East na pumangalawa sa 19:25.80.

Sa araw ng pagbubukas nitong Sabado, ang dating international age group campaigner ay umangkin ng tatlong gintong medalya sa girls’ 50-m butterfly, 200-m freestyle, at 400-m freestyle, na nagtala ng 31.58 segundo, 2:19.26, at 4:55.28, ayon sa pagkakabanggit.

Tanging sa 100-m backstroke siya naunsiyami matapos pumangatlo (1:13.70) sa likod ng nagwagi na si Dianna Celyn Cruz ng Ilustre East Aquatic (1:13.33).

“I feel better than the last series regarding training leading to this competition. I’m more prepared now, my goal is to improve my performance and I’m doing better now and mentally ready,” anang Ateneo freshman na kumukuha ng Management Information System na ang tinutukoy ay ang dalawang gold, isang silver at dalawang bronze performances sa Series 1.

Kumana rin ang SEA Age Group campaigner na sina Aishel Evangelista, Nicola Queen Diamante, Makoto Nakamura, at Sophia Rose Garra. Inangkin nila ang mga parangal ng MOS sa kani-kanilang kategorya sa kaganapang ginamit bilang bahagi ng sistema para sa ranking ng PAI swimmer.

Si Evangelista, nanguna sa boys 14 class sa Series 1 noong nakaraang buwan, may anim na gintong medalya, ay bumida sa 200-m backstroke  (2:20.94), 100-m breaststroke (1:12.91), 200-m freestyle (2:02.40) at silver medal sa 100-m backstorke (1:06.58) sa likod ng winner na si Kean Paragatos ng Rapid Dolphins (1:06.19).

Inangkin ni Diamante, isang Grade 9 estudyante sa Augustinian Abbey sa Las Piñas ang girls 14 MOS na may mga tagumpay sa 200-m backstroke (2:49.88), 100-m backstroke (1:17.94) at 50-m butterfly (31.70).

Dinomina ni Nakamura ang girls 11 na may tagumpay sa 100-m breaststroke (1:28.46), 400-m freestyle (5:07.25), 200-m freestyle (2:28.75) habang si Garra ang nanguna sa girls 12 400-m freestyle (4:51.25), 100-m backstroke (71:91.25), 100-m backstroke (2:28.75), 200-m backstroke (2:29.74), 100-m breaststroke (1:21.75), 200-m freestyle (2:18.16).

Ang iba pang nanalo ng gintong medalya ay sina Rielle Antonio sa girls 13 200-m freestyle (2:22.66); Eliana Rodriguez (girls 14, 2:25.55), Kristine Uy (girls 15, 2:22.04), Alyssa Cabatian (girls 16, 2:22.04), Milkyla Guzman (girls 17, 2:26.25), Rio Balbuena (girls 18, 2:22.89).

Clinton Hu sa boys 6-under 200m freestyle (5:04.40), Fritz Ian Jundam (boys 7, 3:49.77), James Fadriquela (boys 8, 3:27.54), Antonio Dela Cruz (boys 9, 3:25.27), Gideon Ancheta (boys 10, 2:36.89), Aamirah Medinilla (girls 6 under 200-m freestyle, 5:43.63), Elle Francia (girls 7, 4:19.65) at Ayesha Valera (girls 8, 4:06.86). (HATAW Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …