Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lito Lapid Lorna Tolentino

Lorna sinagot tunay na estado ng relasyon kay Sen Lito

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DUMALO sa paglulunsad ng bagong produkto ni Ms Rei Anicoche Tan, ang Belle Dolls kasabay ang pagpapakilala sa apat na endorser nito, ang matagal na ring ambassador ng Beautederm na si Lorna Tolentino.

Gandang-ganda ang karamihan sa kanya kaya naman nilagyan iyon ng malisya na baka may nagpapaganda sa Grandslam Queen. Nilinaw ng entertainment press ang ukol sa kanila ng ka-loveteam nito sa FPJ’s Batang Quiapo na si Sen. Lito Lapid.

Ibinuking kasi kamakailan ng manager nitong si Lolit Solis na nanliligaw daw ang aktor/politiko kay LT.

Ay naku, ewan ko kay Nay Lolit!” natatawang depensa ng aktres. “Hayaan na natin ang nanay ko. Alam mo naman ‘yung nanay ko, hayaan na natin.”

Sinabi pa ni LT na hindi pwedeng mangyari ang iniisip ng marurumi ang utak.

Alam naman nating hindi pwede ‘yun. Para lang sa loveteam talaga,” sabi pa ng aktres na ang tinutukoy ay ang pagiging sweet kaya marami ang kinikilig at marami ang nagwi-wish na mauwi na nga sa totohanan.

Idinagdag pa ni LT na magkumpare at magkaibigan sila ng senador. At hindi naman nito itinanggi na sa kabilang banda ay natutuwa siya na tanggap ng viewers ang kanilang loveteam.

At dahil vocal si Manay Lolit sa pagsasabing hindi siya pabor na magkatuluyan sina LT at LL, okey lang iyon sa aktres.

Sa totoo lang natutuwa nga raw siya sa pag-uugnay sa kanila ni LL dahil nakaka-bagets iyon. Kaya nga naihahalintulad sila sa KathNiel.

Nang matanong kung tinutuldukan na niya na hindi sila pwedeng magkaroon ng relasyon ni LL, sinabi nitong, “Hindi ko naman tinutuldukan, wala naman akong sinabi.

Sa ngayon (hindi pwede), hindi mo masasabi ‘yung future.”

Bukod kay LT dumating din ang iba pang ambassadors ng Beautederm para bigyang suporta si Ms Rhei na nagdiriwang din ng ika-15 taon ng kanyang kompanya. Dumating sina Sylvia Sanchez, Alma Concepcion, Kitkat, EA Guzman, Kakai, Maricel Morales, Jaycee Parker, Rochelle Barrameda at marami pang iba.

Ang apat na mang bagong endorsers ng Belle Dolls ay sina Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Shaira Diaz and Sofia Pablo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …