Kaganapan sa sports na gymnastics at pickleball angg sentro ng usapin sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, Oct. 10 sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.
Pangungunahan ni Coach Normita ‘Boots’ Ty ng PGAA STY Gymnastics ang pagbibigay ng kahandaan ng bansa para sa gaganaping 9th STY international Gymnastics Cup sa Oct. 18-20 sa Muntinlupa Sports Complex.
Makakasama niya sa session ganapn na 10:30 ng umaga ang isa sa promising gymnast na si Avielle Caballes, 12, gold medalist sa nakalipas na Palaron Pambansa sa Cebu City at si Ms. Cynthia Viacrusis, head ng Youth and Sports Development Organization ng Muntinlupa City (YASDO).
Magbibigay naman ng kanyang kahanga-hangang karanasan sa World Pickleball championships ang multi-title soft tennis athlete na si Bien Zoleta. Nakamit ng 26-anyos na SEA Games champion ang dalawang gold medala sa world stage ng pinakabagong kinahihiligang sports ng mga Pilipino.
Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga opisyal at miyembro, gayundin angmga sports enthusiast na makiisa sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat at mapapanood via livestreaming sa TOPS usapang Sports officials facebook page, Bulgar Sports at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO)—ang pinakabagomg network mobile apps na libreng mada-download sa Android mobile phone. (HATAW Sports)