Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derek Ramsay Ellen Adarna

Derek masaya sa kompletong pamilya kasama si Ellen

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview sa kanya ng radio host na si Morly Alino, mariing itinanggi ni Derek Ramsay ang kumakalat na chikang may kabit siya.

Sabi ni Derek, “Wala na nga ako, ang dami pa ring intriga. Grabe. Sabi ko nga, ‘Tigil-tigilan niyo ako. Bakit ako pa rin?’ Tahimik lang ako dati noong nasa showbiz.

“Dati kong pinapansin, pero ngayon I’m stepping away. Nakakainis na ako pa rin.

Dagdag pa niya, “Dapat sanay na tayo riyan pero hindi ko pa rin maintindihan bakit kapag third party, ako na naman.

“May asawa na nga ako. Ang dami-dami rin naman diyang couples. Ako na naman lagi.”

Nang tanungin naman si Derek kung masaya siya ngayon sa kanyang buhay, ang sagot niya,“Oo, sobra very, very happy na ‘yung buhay ko ngayon. Sobrang kompleto na, ‘yung families naming mag-asawa sobrang magkasundo.

“Naghahanap nga ako ng problema kasi my life [now] is really, really good, I’m at peace, there’s no more stress, basta ‘pag binless na kami ng baby girl or baby boy ready na ako,” patuloy niya.

Esplika pa ng aktor, “‘Yun [na] lang ang kulang sa buhay ko, but kahit wala masaya ako sa buhay ko kasi may baby Elias (anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz) na ako and I have the perfect wife, sometimes perfect.”

Kasunod niyan ay ibinunyag ni Derek na marami na ang nag-aabang na magkaroon na sila ng baby ni Ellen Adarna.

Kahit nga raw ang mommy niya ay panay ang punta sa Manaoag Church sa Pangasinan para ipanalangin ito.

Noong Hunyo lamang nang biglang naging usap-usapan sa social media ang celebrity couple na sina Derek at Ellen matapos ibandera ng una sa Instagram ang ilang sweet pictures nila ng misis, pati rin ang ilang litrato nilang tatlo kasama ang step son na si Elias.

Ang caption niya riyan, “Can’t wait @maria.elena.adarna Ala, am mo na! Lol”

Walang idinetalye ang mag-asawa, kaya naman ang netizens may kanya-kanyang comment na sa kung ano ang ipinahihiwatig ng couple.

Karamihan sa kanila, naniniwalang ipinagbubuntis na ni Ellen ang baby nila ni Derek.

Pero base sa interview ng aktor kay Morly ay wala pa silang ine-expect na baby ng kanyang misis.

Hindi, wala pa, wala pa,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …