Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Denise Esteban F Buddies

Denise Esteban, aminadong nagpakatanga para sa love

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TAMPOK ang sexy actress na si Denise Esteban sa F Buddies at ayon sa kanya, ang takbo ng pelikula ay ukol sa mga taong nagpapakatanga dahil sa love.

Pahayag ni Denise, “Sa F Buddies po, ako ‘yung lead dito… bale ang story po niya is parang napagdaanan siguro ng mga babae na nagpapakatanga sa kanilang ex. Actually, pati mga lalaki ay nakaka-experience nang ganoon, iyong sobrang nagpapakatanga sa ex, ‘yung hindi na nakikita ‘yung worth nila?

“Bale, loves story po ito tungkol sa hindi maka-move on sa ex, nagpapakatanga, hindi na niya nakikita ‘yung ibang tao na nagmamahal talaga sa kanya.”

Dagdag pa ng aktres, “Sa F Buddies po, ako po ‘yung babaeng tatanga- tanga sa pag-ibig. Na kahit iniwan na po ako, pinipilit ko pa rin ‘yung sarili ko, kasi sobrang mahal ko ‘yung ex ko.”

Aminado rin si Denise na na-experience na niya ang nagpakatanga in real life, nang dahil sa love.

“Yes po, na-experience ko na rin po na magpakatanga noon, siguro part of growing up na rin po ‘yun, hahahaha!” Natatawang bulalas pa niya.

Bukod kay Denise, tampok sa F Buddies sina Candy Veloso, Mon Mendoza, Calvin Reyes, at iba pa. Written by Quinn Carrillo and directed by Sid T. Pascua, ang world premiere nito ay sa September 3, exclusively sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …