Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tonz Are Daydreamer Talents

Daydreamer Entertainment Production CEO na si Tonz Are, muling aarangkada sa showbiz

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG award winning movie actor at CEO ng Daydreamer Entertainment Production na si Tonz Llander Are ay muling aarangkada sa mundo ng showbiz.

Balik operations na ang kanyang production, mula noong nagkaroon ng pandemic.

Kuwento ni Tonz sa amin, “Kasi po nag-stop kami noong pandemic, although on going yung mga projects ng mga bata… Pero this time tutok na kami sa mga preparation para sa mga up-coming projects namin under Daydreamer Entertainment Production.

“Ang aming pelikulang Ani and Speranza, tuloy nang maipalalabas this year sa selected cinemas.”

Aniya pa, “Ang dami rin blessings, kasi ang mga Daydreamer babies ko humahataw sa 700 club Asia ng GMA 7. Plus, may mga upcoming projects pang naka-line up, bukod sa TV and film.”

Sino ang casts ng Speranza at tungkol saan ang story nito?

“Ang film naming Speranza, na sa direksiyon ko rin at panulat, kuwento po ito ng isang pamilya na salat sa pagmamahal at sa mga estudyanteng na-trap sa isang gubat na humantong ito sa trahedya at  nauwi sa bangungot na pangyayari.

“Ang casts na kasama rito ay ako, Esperanza Jaurigue, Fredierick Selda, Clarence Fragada, Nicolle Ulang, Prince Rae Dantes, Celso Llander Are, John Paul Nierves, Angelyn Secqueña, Je Serrano, Nicollo Flores, Don Sandino, Reign Chulvo, Mark Lorenz Are, Joross Almacin, Arnold Abonales, Mary Joy Abonales, Denzel Faller Montenegro, Rose Gayoba, Neo Flores, Caren Permalino, Sweet Ferrer, Krisha Mae Falanon, Nathalie Antonio, Marlo Montes, Ellen Mendoza, Melma Mendoza.

“Kasama rin dito sina Nace Joshua Garcia, Rub Chan, Jerome Francisco, Shana Dacillo, Clarence Andrie Santos, Althea De Leon, Rheyvin Venuya, Hanna Rie, Christian Jorquia, Kira Eikland, Cassie, Shaneli Mae Garcia, JR Celino, Christian Escudero, Cheng Agapay, Antonio Rubianes,at Gan Bellarmino.”

Paano niya ide-describe ang kanyang Daydreamer Babies?

Esplika ni Tonz, “I’m so blessed dahil napaka-talented and mababait, marunong at masisipag and punong-puno sila ng mga pangarap.  

“Actually, nasa 100 plus po sila na active, na hawak ko. Iyong iba po, hindi lang nakakakaluwas para mag-workshop. Kasi, from Lucena pa ang iba, iyong iba naman ay from Pampanga and Tarlac.”  

Binanggit din niya kung ano ang kanyang plano sa mga talented na bagets.

“Ang plano ko sa kanila, ang makagawa pa kami ng maraming movies at mapanood nila sa big screen ang kanilang sarili. Kasi iyon talaga ang gusto nila, bilang artista. Passion po nila talaga ang pag-arte sa harap ng camera, and wish nilang magkaroon ng mas maraming exposure pa sa television,” sambit pa ng aktor/direktor na si Tonz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …