Sunday , November 24 2024
Harlene Bautista Allen Dizon Inigo Pascual Fatherland

Harlene Bautista, excited maging co-producer sa star-studded na pelikulang Fatherland  

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BALIK sa pagpoprodyus ng pelikula si Harlene Bautista. Ito’y sa pamamagian ng Fatherland na tinatampukan ng multi-awarded actor na si Allen Dizon at ni Inigo Pascual.

Ang premyadong si Joel Lamangan ang  direktor nito at mula sa panulat ni Roy Iglesias.

Actually, star-studded ang pelikulang hatid ng BenTria Productions and Harlene’s Heaven’s Best Entertainment.

Kasama nina Allen at Inigo rito sinaRichard Yap, Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, Ara Mina, Angel Aquino, Max Eigenmann, Jim Pebanco, Jeric Gonzales, Kazel Kinouchi, Angela Cortez, Yasser Marta, Rico Barrera, Ara Davao,  Abed Green, at Bo Bautista.

Sa Manila Hotel ang storycon ng pelikula, kaya kitang-kita agad dito na malaki ang budget nito.

Ano ang nagpapayag sa kanya para makipag co-prod kay Engr. Benjamin Austria para sa pelikulang Fatherland, lalo’t ang laki ng casts nito kaya tiyak na malaki rin ang budget?

Esplika ni Harlene, “First of all, nagkuwento sina Direk Joel at Dennis (Evangelista), ikinuwento nila iyong pelikula and humingi ako agad ng synopsis para mapag-aralan nang husto.

“And nang sinabing may co-producer, I think it’s about time, after ng pandemic hindi na po uso iyong competitions. It’s nice to work sa ibang players sa industry.

“So, this is our first time and we are very happy, kasi so far, mukhang magaan naman ka-partner si engineer (Benjamin). Sabi ko nga sa kanya kanina, ‘Ang fresh-fresh mo, gusto ko iyong ganyang itsura mo at ang outfit mo.’

“So, excited ako and we’re really very blessed dahil… sabi ko kanina kay Dennis, ‘Ang laki-laki ng cast and nakaka-excite and lalong nakakakaba dahil ang gagaling ng mga artista.'”

Pagpapatuloy pa ni Ms. Harlene, “Mercedes  was my actress sa short film ko and pinabayaan ko lang siya roon, sila ni Kiko Matos. Doon pa lang ay humanga na ako, that’s why nang nalaman kong in na siya finally, na-excite ako.

“Siyempre ang kumare ko, mareng Cherry Pie, napakagaling. Wala e, talagang napakagagaling ng mga nandito, wala ka nang hahanapin pa.

‘So, we thanked everyone na nandito ngayon. Sana hindi lang ngayon ang suporta ninyo, kundi hanggang sa maipalabas namin ang pelikula natin.”

Pahabol pa ni Ms. Harlene, “Sana isa ito sa mga pelikula na tutulong na makabangon at makabawi ang industriya ng pelikulang Filipino.”

Ayon kay direk Joel, kaya maraming artista rito, sila ay lalabas sa tatlong maliliit na istorya sa loob ng isang pelikula.

Mag-ama ang papel nina Inigo at Allen sa pelikulang ito.

Bata pa lang si Inigo nang nagkahiwalay ang parents niya, itinakas si Inigo ng mother (Max) niya at dinala sa US. Dito nahiwalay si Inigo sa amang si Allen.

Nabanggit pa ni Direk na babalik si Inigo sa bansa para hanapin ang kanyang ama. Na habang hinahanap ang kanyang ama, marami siyang matutuklasan sa kanyang bansa, na iniwan niya noong six years old pa lamang siya. Mae-expose si Inigo sa bayan niya, kung ano ang nangyayari sa bayan niya, kung ano ang problema ng bayan niya sa kasalukuyan at iba pa.

Anyway, inusisa rin si Harlene kung wish ba niyang sumunod sa yapak ng kilalang movie producer na si Mother Lily Monteverde?

“Isang karangalan, pero parang hindi naman…. Kasi, nag-iisa lang si Mother Lily.

“Siguro isa si Mother sa mga, parang role model pagdating sa pagpoprodyus, hindi ba? Saka how she was with the whole industry, kung gaano niya kamahal, hanggang sa huling kaya ng katawan niya, hindi ba? Minahal talaga niya ang industriya, isa talaga siyang movie icon,” nakangiting wika pa ni Ms. Harlene.

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …