Friday , November 15 2024
Cheska Maranan Angelu de Leon

Cheska Maranan, thankful na maging bahagi ng Pulang Araw

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ng child actress na si Cheska Maranan ang kagalakan sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng GMA-7 na maging bahagi ng seryeng Pulang Araw, na bukod sa Kapuso Network ay napapanood din sa Netflix.

Pahayag ni Cheska, “Sobrang blessed and thankful po ako sa GMA sa ibinigay nilang opportunity po sa akin. And malaking pasasalamat ko po sa taong nag-recommend po sa akin dito.”

Tampok sa Pulang Araw sina Alden RichardsBarbie FortezaSanya Lopez, at David Licauco. Kasama rin dito sina Dennis TrilloEpy QuizonAngelu de Leon, at marami pang iba.

Si Cheska ay 11 years old at Grade-7 sa Divine Colleges of Pampanga. Nagsimula ang kanyang showbiz career nang nanalo siya sa Showtime Mini Ms. U ng ABS CBN more than five years ago.

Naging bahagi rin siya ng Kids Toy Kingdom Show ni direk Perry Escano na nagtapos na last year.

Nakagawa na ba siya ng movie?

Tugon ni Cheska, “Hindi pa po ako nakagawa ng movie, puro mga commercials po at teleserye sa magkabilang network po.”

Nabanggit din niyang happy siya sa pagpasok sa showbiz.

Wika ng magandang bagets, “Nag-eenjoy po ako, sobrang gusto ko po na pasukin talaga ang showbiz industry.”

“Ang wish ko po is makasama ko po ulit sa ibang projects ang mga nakasama ko po sa Pulang Araw at sana ay dumami pa po ang mga taong patuloy na susuporta at magmamahal sa akin,” nakangiting dagdag pa niya.

About Nonie Nicasio

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …