Wednesday , May 7 2025
Shakey’s Super League National Invitational inilunsad

Shakey’s Super League National Invitational inilunsad

INIHAYAG ni Vicente L. Gregorio, Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc. (SPAVI) President/CEO (may mikropono) ang gaganaping 2024 Shakey’s Super League National Invitationals sa isinagawang pulong balitaan sa Shakey’s Malate, Maynila.

Kasama sa pulong sina (mula sa kaliwa) Patricia Hizon ng 12 Beyond Media Co.; Dr. Philip Juico, Athletics Events and Sports Management Inc. (ACES) Chairman; Jorge Concepcion, SPAVI COO; at Bajjie Del Rosario, Smart Sports Manager.

Kasama rin ang mga team captain ng bawat koponan na kalahok sa torneo na may 12 paaralan ang kalahok.

Kabilang sa Pool A  ang National University, Enderun Colleges, Xavier University – Northern Mindanao Selection; Pool B – University of Sto. Tomas, University of Batangas, Team SOCSARGEN; Pool C – Far Eastern University, Lyceum University of the Philippines, University of Southern Philippines Foundation; Pool D – College of St. Benilde, Colegio de San Juan de Letran, at University of San Carlos.

Magsisimula ang torneo ngayong Miyerkoles, 10 Hulyo hanggang 17 Hulyo na gaganapin sa Ninoy Aquino Stadium sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

About Henry Vargas

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …