Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza David Licauco BarDa Catherine CC Camarillo

Barbie Forteza at David Licauco, tumodo sa pagpapakilig sa ‘That Kind of Love’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HINDI mabibigo ang moviegoers na naghahanap ng kakaibang pakilig sa pelikulang That Kind of Love, na tinatampukan nina Barbie Forteza at David Licauco.

Sa Red Carper Premiere night ng pelikula last July 4 sa Megamall ay marami ang kinilig at nagtitiliang manonood dahil sa lakas ng charisma, hatid ng love team nina Barbie at David.

Isa sa kinakiligan nang todo ng fans sa pelikula ay ang pasilip ng abs ni David matapos mag-shower at nakatapis lang ng towel ang actor.

Of course, ang mga eksena nina Barbie at David na naglalambingan ay talagang ini-enjoy nang husto ang moviegoers.

Actually, kahit hindi fans ng BarDa loveteam, tiyak na mae-enjoy nang todo ang pelikulang ito.

First movie ito ni Direk Catherine “CC” O. Camarillo na napanood ko at dito ko nalaman na magaling palang magpakilig ng fans si Direk. Palagay ko ay mas swak sabihin na forte niya talaga ang Rom-Com at expert si direk Catherine sa pagpapakilig ng moviegoers.

Gusto ko lang din idagdag na sa pelikulang ito, makare-relate ang mga kababaihan at mga anak na maraming pangarap sa buhay, pati na pangarap para sa kanilang pamilya na mahal na mahal ng ginagampanang character ni Barbie.

Parehong magaling sina Barbie at David dito, pero mas lutang nga lang ang husay ni Barbie. Plus, mas marami rin moments dito ang Kapuso actress.

Sa totoo lang, teaser pa lang ng pelikulang ito ay marami na ang kinikilig, sadyang karagado sa pampakilig ang pelikulang That Kind of Love kaya dapat itong panoorin sa mga sinehan.

Iba pa rin kasi talaga ang vibes kapag sa sinehan manonood ng pelikula. Mas feel at mas naka-focus ang audience sa kanilang pinapanood. Less distractions din, dahil nakahihiyang gumamit ng cellphone bilang respeto sa mga kapwa moviegoers.

Anyway, kilala ang loveteam ng dalawa bilang BarDa at aminado sina Barbie at David na mas komportable na silang katrabaho ang isa’t isa at nag-level-up na ang kanilang loveteam.

Pahayag ni Barbie, “Dito, I would say na nag-level up talaga kami ni David in terms of sophistication ng acting, maturity. Iyong styling naman, ginawa nilang very close to K-drama.

“Even sa character, palagi kong sinasabi na ito ang pinaka-sophisticated role na ibinigay sa akin. Kahit iyong hitsura ko iniba namin, pinadalaga namin. Also, nag-level up kami kasi ang taas ng production value ng pelikulang ito.”

Ayon naman kay David, “I think there is pressure, but maganda ang produkto namin ni Ms. Cathy, ng production. Kaya feeling ko ay, as long as we do our best promoting, sigurado akong papatok ito sa takilya.”

Tampok din sa That Kind of Love sina Al Tantay, Arlene Muhlach, Jef Gaitan, Divine Aucina, Ivan Carapiet, Kaila Estrada, at iba pa.

Ang pelikula ay released and distributed by Regal Entertainment. Opens in cinemas nationwide on July 10th. Special thanks to Digital Out Of Home, Inc.

Ang That Kind of Love ay mula sa panulat ni Ellis Catrina, ito ay produced ng Pocket Media Productions, Incorporation and Pocket Media Films in cooperation with Happy Infinite Productions, Incorporation.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …