Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

She’s The One, major movie event ng 2013

TIYAK na marami na naman ang pipila sa mga sinehan simula sa October 16 dahil inihahandog ng Star Cinema ang dalawang exciting at bagong inaabangang screen pairings sa She’s The One.

Ito ay magtatampok sa two-time Best Actor winner na si Dingdong Dantes sa kanyang unang pakikipagtambal sa Kapamilya screen sweetheart na si Bea Alonzo sa isang napapanahong kuwento tungkol sa dalawang mag-best friend na mapapasok sa isang medyo complicated at ‘di-inaasahang romantic situation.

Sinasabing mas magiging exciting ang pelikulang ito dahil makakasama nina Dingdong at Bea ang isa pang bagong screen tandem na binubuo ng tinaguriang Next Ultimate Leading Man na si Enrique Gil at ang Star Magic 2013 discovery at emerging It Girl na si Liza Soberano, na kapwa may importanteng roles dito.

Ayon sa Star Cinema, naghanap sila ng isang fresh and exciting concept na nakita nila sa She’s The One sa panulat nina Charlene Sawit-Esguerra, Anton C. Santamaria, Roumella Nina Monge, at ng award-winning screenwriter at Creative Director ng Star Cinema na si Vanessa Valdez. Hitik ito sa elements na naging tatak na ng mga hit romance movies ng Star Cinema, gaya ng ‘di malilimutang dialogue at pick-up lines na binigyan ng bagong twist para sa social media-driven generation.

Ang pelikula na idinirehe ni Mae Czarina Cruz, ay tungkol sa isang long-time friendship na puwedeng biglang magbago dahil sa isang ‘di-inaasahang pangyayari—at dahil dito, ang dalawang magkaibigan ay mapipilitang i-evaluate ang feelings nila para sa isa’t isa sa panahon na ito ng Facebook, Twitter at viral videos.

Isa itong kuwento ng pagkakaibigan, at ng mga “Eureka moments” na magpapa-realize sa iyo na ang taong matagal nang nasa tabi mo ay siya na palang hinihintay mo na “the one”.

Ayon kay Bea, nang malaman niya na magiging katambal si Dingdong ay na-excite siya. Bago si Bea, nakatrabaho ni Dingdong ang mga top Kapamilya leading ladies na sina Kris Aquino (Segunda Mano), Angel Locsin, at Angelica Panganiban (One More Try). Ito ang unang pagsasama nila ni Bea na lubos na natuwa at siya ang napili para sa project.

“Matagal ko na siya (Dingdong) gustong makatrabaho because I’ve heard a lot of good things about him,” sabi ni Bea.

Si Dingdong naman ay umaming nagulat dahil matapos ang dalawang sunod na pelikula sa bakuran ng Star Cinema, ay ‘di niya inaasahan na mabibigyan siya ng pagkakataon na gumawa ng isa pa. Ayon sa aktor, “sobrang gaan” katrabaho si Bea dahil “sobrang bait” nito.

Bale ito ang unang sabak ni Dingdong sa romance genre pagkatapos ng mga ginawa niya sa Star Cinema na horror movie at heavy drama.

“I’m so happy that I was given the chance to do this movie, and much more when I found out that I’ll be working with Bea and Enrique,” ani Dingdong. “I guess nandoon ‘yung excitement namin pareho ni Bea, for us to portray roles in this kind of a movie about best friends and love.”

Sinabi pa ng actor na nag-enjoy siya sa paggawa ng She’s The One kaya’t hindi na rin ito makahintay sa pagbubukas ng movie sa October 16. “I think I can speak for myself, umpisa pa lang na sobrang excited na excited na ako rito and siguro ‘yun din ang naging dahilan kung bakit nagiging maganda ‘yung resulta ng samahan namin oscreen.”

Dahil sa bigat ng casting at magandang storyline, tinatayang ang She’s The One ay magiging major movie event ng 2013—kaya’t huwag nang pahuhuli sa pagbubukas nito sa October 16.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …