Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martin Escudero, nagpa-HIV test!

ISANG HIV-positive ang role na gagampanan ni Martin Escudero sa pinakabagong drama series ng TV5 na eere sa October 17.

Sa HIV-themed series na Positive, gaganap si Martin bilang si Carlo, isang Operations Manager ng isang call-center company na biglang magbabago ang ikot ng buhay nang malamang positibo sa HIV. Dito magsisimula ang kanyang paghahanap kung sino ang nakahawa sa kanya, habang kanyang ikinakatakot na mahawahan ang kanyang buntis na asawa.

Dahil sensitibo ang tema ng show ay maingat at mabusisi raw ang naging paghahanda ng TV5 at ni Martin para sa bagong seryeng ito. Ani Martin, maging siya ay sumailalim sa mga workshops at immersion kasama ang mga HIV-positive resource speakers ng AIDS Society of the Philippines. Dahil dito, maging si Martin ay nag-volunteer magpa-HIV test.

“Nag-presenta ako, ‘Gusto ko magpa-test!’ hindi lang dahil sa show o para lang malaman ‘yung status ko kung hindi para masabi ko na hindi siya ganoon kasama”  sey ni Martin.

Bukod sa kagustuhan na makatulong for HIV awareness, gusto rin ni Martin na mapagdaanan ang proseso ng pagpapa-test for HIV.

“Kailangan ko pagdaanan lahat para hindi lang siya inaarte. Gusto ko maging totoo lahat.”

Sa rami ng mga nagkakaroon ng HIV sa Pilipinas, mukhang napapanahon naman nga na magkaroon ng isang teleserye na tatalakay sa isyung ito. Wish namin na sana ay makatulong ang show na maging mas mulat ang lahat tungkol dito.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …