Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Barbie Forteza David Licauco

Barbie sa pagkokompara kay Kathryn—big honor for me, sana makatrabaho ko siya

GRABE pala ang paghanga ni David Licauco kay Kathryn Bernardo. Maging si Barbie Forteza ay wish nitong makatrabaho ang Box-Office Queen na si Kathryn.

Sa media conference ng pinakabagong pelikulang pinagsamahan nina David at Barbie, ang That Kind of Love na mapapanood sa July 10 handog ng Pocket Media Productions and distributed by Regal Entertainment, sinabi ng dalawa ang sobra-sobrang paghanga sa Kapamilya actress. 

Ani David matagal na niyang mina-manifest na makasama sa isang proyekto si Kathryn at magkaroon ng Star Cinema movie. Dahil dito naikompara na rin si Barbie kay Kathryn.  At natanong kung saan mas pressure ang aktres, ang pagkokompara sa kanila ni Kathryn o ang posibleng pagkakaroon nila ng relasyon ni David. 

 “Actually, naku, hindi ko alam kung paano ko po sasagutin ‘yan. Kasi aaminin ko, isa rin po si Miss Kathryn Bernardo sa mga taong nilu-look up ko sa showbiz.

“She really handles her career and personal life really, really well. And that is why there’s no doubt kaya maraming brands ang naa-attract niya.

“Dahil ganoon niya talaga dalhin ang sarili niya. And so to be acknowledged or to be noticed na kahit paano ay parehas, very big honor for me.

“And sana, sana magkatrabaho kaming dalawa dahil isa rin siya talaga sa mga gusto kong makatrabaho, at isa sa mga ina-admire kong actors of our generation,” sagot ni Barbie.

Mapapansood na ang That Kind of Love sa July 10, sa mga sinehan nationwide. Kasama rin dito sina Arlene Muhlach, Al Tantay, Jeff Gaitan, Divine Aucina, Ivan Carapiet, at Kaila Estrada. Ito’y mula sa panulat ni Ellis Catrina at idinirehe ni Catherine Camarillo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …