Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dingdong, umaasang si Marian na ang ‘the one’

HINDI nakaligtas itanong kay Dingdong Dantes kung  maituturing na niyang ‘she’s the one’ ang girlfriend na si Marian Rivera.

“Depende kung paano mo sasabihin, ano ang konteksto.Pero ako, tingin ko naman, the fact that we’re together now for so many years, eh, talagang ikaw na! I’m very hopeful naman sa lahat ng bagay. I’m very positive naman,” deklara ng tinaguriang Primetime King ng GMA 7 at magiging bida sa bagong serye ng Siete na Genesis.

Kinuha rin ang reaksiyon ni Dingdong sa pambubuking ni Ai-Ai Delas Alas na kunwari nabigatan si Marian sa pagbubuhat ng aquarium at ipinabuhat ito sa kanya. Nag-feeling girl na girl si Marian na tinutulungan siya ng bf.

“Oo naman, okay lang ‘yun.Kung kinakailangan naman ng tulong ko ng mga ganoong simpleng bagay, eh, bakit naman hindi, ‘di ba?” sambit lang niya na natatawa.

Tinanong din si Dingdong kung magugustuhan ba niya si Bea Alonzo kung wala sina Maria at Zanjoe Marudo sa buhay nila? Ang sabi lang ni Dong, malaking bagay na na may karelasyon sila dahil ‘yun ang pinaghuhugutan nila para magkaroon ng kilig sa kanila ni Bea at nagsisilbing inspirasyon.

“Like I’ve said earlier, we’re very thankful sa aming mga respective partners, for giving us support dito.

“It makes life easier for us, actors, ‘di ba?”

Naging abala naman si Marian kaya hindi raw dumalaw ito sa shooting ng She’s The One ng Star Cinema. Ganoon din daw si Zanjoe bilang pagrespeto sa trabaho ni Bea at sa kanyang leading man.

Talbog!

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …