Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Leviste Dodo Mandanas Kris Aquino

Sakaling tatakbong gobernador ng Batangas
VG MARK LEVISTE POSIBLENG MABAWASAN ORAS KAY KRIS AQUINO 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

USAP-USAPAN ang pagtakbo ni Vice Gov Mark Leviste bilang gobernador lalo’t nagkita ito at si Batangas Gov Dodo Mandanas kamakailan.

Makikita ito sa latest post ni Vice Gov Leviste, ang pakikipagkamay kay Gov Mandanas sabay ang mga salitang,  “sealed with a handshake.”

Mukhang nagkakamabutihan na sila sa mga susunod na hakbang patungong election year 2025.

Ito’y matapos ang talk of the town pa ring kasal ni Gov. Mandanas. Nakabalik na sa Pilipinas ang gobernador matapos ang kanyang Italian honeymoon kasama ang 32-anyos na batambatang ginang (si gov ay 80-anyos).

Matunog din kasi ang balitang isa si Gov Mandanas sa ikinokonsideang bagong Executive Secretary  ng Marcos administration kapalit ni ES Lucas Bersamin. Balita ngang magaganap ang rigodon ngayong Hunyo kahit todo deny ang gobernardor ukol dito.

‘Ika nga ni Gov Mandanas, “you are never too old for marriage or politics.” 

Sakaling matuloy ang pagtakbo ni Vice Gov.  Leviste bilang susunod na gobernador ng Batangas, marami ang nagtatanong kung paano na sila ni Kris Aquino? Madalas magtungo ang vice governor sa America para dalawin ang kasalukuyang karelasyon para makapiling ito.

Marami rin ang nagtatanong kung magkakaoras pa kaya si vice gov sa tuwing kakailanganin siya ni Kris sa tabi niya na kasalukuyan pa ring nagpapagamot sa Amerika?

Abangan ang mga susunod na kaganapan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …