Sunday , December 22 2024
TEAM oath taking

San Pablo Mayor Vic Amante at Mayora Gem Castillo kinilala papel ng media, pinangunahan oath-taking ng TEAM

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SINA San Pablo City Mayor Vicente Amante at Mayora Gem Castillo ang naging inducting officers ng TEAM (The Entertainment Arts & Media) last May 31, 2024.

Ang TEAM ay samahan ng mga manunulat, photographers, at iba pang taga-media na halos isang dekada na bilang grupo ng mga journalist.

Si Mayora Gem, kasama sina Konsehal Alfred Vargas, ang beteranong showbiz columnist na si Ed de Leon, at Ms. Baby Go ng BG Productions International ang advisers ng TEAM na kinabibilangan nina Nonie Nicasio (Pangulo); Anne Venancio (Pangalawang Pangulo); Maridol Bismark (Kalihim); Maryo Labad (Katulong na Kalihim); Obette Serrano (Ingat-Yaman); Noel Orsal (Katulong na Ingat-Yaman); Wendell Alvarez (Auditor); Danny Vibas at Pilar Mateo (P.R.O.)

Kabilang naman sa miyembro sina Cesar Batingal, Boy Borja, Roland Lerum, Jhay Orencia, Luz Candaba, Adjes Carreon, Audie See, Sany Chua, Atorni Ton, Nimfa Chua, at Aldrin Cacayan.

Sa naturang event ay kinilala nina Mayor Vic at Mayora Gem ang kahalagahan ng media.

Wika ng alkalde ng San Pablo, “Buong kagalakan at kasiyahan ang nararamdaman ko na tayo ay magkakasama ngayon ng aking one and only wife, na inyong pinaunlakan. Dahil dito, ‘Ika nga ay mataas ang aming pagkilala sa bawat isa sa inyo sa media.

“Alam naman natin na siya ay may hangarin na magkaroon din ng position na in my absence, kung sakali man, ay mayroon po tayong hahalili na maglilinkod sa mga mamayan ng lungsod ng San Pablo, kasama na po ang karatig bayan ng buong Laguna.

“Kaya sa inyo pong tulong, ang masasabi ko ay bihira o walang nanalo na public servant na hindi po tinulungan ng media. Sapagkat kahit anong galing mo, kung hindi nalaman at hindi naipapakilala ang katauhan ng isang gustong maglingkod, kinakailanga’y nakikilala, roon po nagsisimula.”

Pagpapatuloy pa ni Mayor Amante, “Ang pagpapa-unlad po ng lungsod ng San Pablo ay aking ginawa, tulad po ng pagpapatayo ng university, nagkaroon po ang lungsod ng San Pablo niyan. Nagkaroon po kami ng malaking serbisyo sa health services, tulad po ng hospital.

“Ang ginagawa po namin noon pa man hanggang ngayon, iyan ang gusto ni Mayora na ipagpatuloy, kung papalarin… Ako po’y nagpapasalamat sa inyo hindi po ngayon lamang, kung hindi sa mahabang panahon na kanyang tatahakin. Na kayo ay magbibigay ng kaliwanagan sa bawat mamamayan upang siya ay suportahan,” sambit pa ni Mayor Amante patungkol sa kanyang masipag na may-bahay.

Hinggil naman kay Mayora, nakasama ang pangalan niya sa survey ng Vice Governor ng Laguna at sobrang lakas ni Ms. Gem kaya maraming taga-Laguna, kasama na ang mga politiko ang naghihikayat sa kanya na pumasok na rin sa politika para mas marami siyang matulungan. Hiningi rin nila ang matamis na ‘oo’ ni Mayor Vic para payagan ang kanyang misis na magpolitika na rin.

Ang actor at lone district ng Santa Rosa, Laguna representative na si Dan Fernandez ay niluluto ang tandem with Mayora Gem para maging Vice Gobernor niya. 

Nagkatrabaho raw sina Dan at Mayora sa pelikulang Sergeant Marcelino Pantaleon. Dating member ng That’s Entertainment ni German Moreno si Mayora Gem.

Maraming senyales bago nagdesisyon na sumabak na rin sa politika si Mayora Gem.

Nabanggit din ni Mayora Gem na nami-miss niya ang mga showbiz reporters. “Sa totoo lang, missed na missed ko ang mga reporter ng showbiz. Lagi ko namang sinasabi na malaking impact iyan sa buhay ng isang artista. Puwede ka talagang pasikatin niyan at puwede kang ibaba rin niyan.

“Kaya ako ay saludo, iyong iba akala nila isine-set aside ang mga reporter. Hindi po, mahalaga kayo sa akin, alam ko na ang ikasisikat at ikalulubog ng isang taga-showbiz ay nasa inyong lahat,” nakangiting sambit pa ni Mayora Gem.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …