Sunday , December 22 2024
Ysabelle Palabrica Kaba

Ysabelle Palabrica, ipinatikim sariling tatak ng kantang ‘Kaba’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HONORED and thankful ang bagets na newbie singer na si Ysabelle Palabrica na ipinagkatiwala sa kanya ang pag-revive ng kantang Kaba na pinasikat noon ni Tootsie Guevarra.

Ang naturang kanta na komposisyon ni Vehnee Saturno ay ginawan ng bagong timpla at areglo ni Vehnee para tumugma kay Ysabelle.

Nang aming nakapanayam ang 15-anyos na singer, inusisa namin kung ano ang nabago sa kanta niya sa version ni Tootsie?

Esplika niya, “Iyong beat po ng Kaba ay bago, tapos iyong voice ko po… and naiba rin po dahil parang disco po ‘yung sa aking version.”

Nabanggit din niyang nagulat siya nang ito ang napiling kanta para sa kanyang debut single.

Wika ni Ysabelle, “Nagulat po ako and sobrang nerbiyos ko po, kasi alam naman nating lahat na ang kanta ay compose ni sir Vehnee Saturno. But I am so honored and so thankful for giving this kind of opportunity.

“Kasi po, maraming taong mas magaling sa aking kumanta.”

Pahayag niya, “I was so excited when it was suggested to me by Mr. V (Vehnee) that I could revive it, but of course under his guidance. My version is more upbeat and I will work hard to make this song a success, just like the first one, and for people to appreciate it.

“Plus, sabi ng mommy ko, big opportunity daw po ito para sa akin kaya dapat daw na I do my best.”

Ano ang nagpapakaba sa kanya? “First time ko po kasing kumanta sa maramng tao and I can’t imagine myself na kakanta sa big stage, sa maraming tao na manonood sa akin, kaya I’m so grateful po talaga,” nakangiting sambit niya.

Si Ysabelle ay anak nina Mayor Mark Palabrica ng bayan ng Bingawan sa mataas na progresibong lalawigan ng Iloilo, ang kanyang ina naman ay si Ms. JeAn Magno Palabrica)  may-ari ng pribadong 

school na kilala bilang Centerphil Montessori na may mga Campus sa Iloilo at Bacolod City.

Supportive ang parents ni Ysa (nickname ni Ysabelle) kaya labis siyang nagpapasalamat sa kanila.

Sina Taylor Swift at Belle Mariano ang idols ng talented na dalagita.

Kuwento pa ni Ysa, “I love their songs very much and I think everyone can easily connect to the lyrics of their songs, po. And nakita ko po ‘yung mga expressions nila sa kanilang mga kanta, kung paano sila kumanta nang maayos at maganda sina Taylor at Belle.

“And nakita ko po kapag nasa stage na sila at nagpe-perform, ine-enjoy lang talaga nila ‘yung pagkanta nila.”

Anyway, last April 21 ay isa si Ysabelle sa naging guests sa major OPM concert titled Noon at Ngayon nina Hajji Alejandro, Rachel Alejandro, Gino Padilla, at marami pang iba.

Dito’y nagpakitang gilas si Ysa at pinatunayan niyang may puwang siya sa mundo ng entertainment.

Bukod sa pagpo-promote ng single niyang Kaba, si Ysa ay abala rin ngayon sa pagte-taping para sa YouTube show nilang Krazy-X sa ilalim ng pamamahala ni Direk Obette Serrano at sa concept ni Audie See, na siyang manager ni Ysa.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …