Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan ang mga nakarelasyon niyang showbiz personalities, na sina  John Lloyd Cruz at Parokya ni Edgar lead singer, Chito Miranda.

Ayon sa aktres, maayos ang paghihiwalay nila noon ni Chito at hanggang ngayon, magkaibigan pa rin sila.

Sabi ni Kaye, “We’re still friends. We broke up na magkaibigan kami. He even invited me sa wedding niya. Invited din siya sa wedding ko.

“Ayan, parang sinabi ko na ako nga ‘yung nakipag-break, ‘di ba?

“Sa amin kasi ni Chito, parang nagkaintindihan kami na, ‘It’s better this way.’ Na, it’s better na maging friends na lang kami and na-maintain namin na friends kami.”

Dagdag niya, “Kinuha pa siya ni Paul Jake (asawa ni Kaye, na dating artista) sa Cebu for a gig and we watched his gig.”

Inamin naman ni Kaye na hindi naging madali sa kanyang mag-move on nang maghiwalay sila ni John Lloyd. Ito ay dahil magkatrabaho at love team sila noon sa Tabing-Ilog, isang defunct youth-oriented series ng ABS-CBN.

Ngayon ko lang din nare-recall. Nag-‘Tabing-Ilog,’ hiwalay na kami, so nahirapan ako dahil nagtatago na kami.

“Ayaw na ng parents ko. Nagtatago kami sa yaya ko kasi kapag wala nang take, makikisingit ako sa dressing room nila para magkasama kami.

“Nahihirapan akong mag-move on kasi magkatrabaho kami, magka-love team kami. Umabot sa point na mag-asawa kami sa ‘Tabing-Ilog.’

“Tapos nagka-girlfriend siya after ko. Hindi na niya ako pinapansin kasi nagseselos ‘yung girlfriend sa akin so, nahihirapan ako,” pagbabahagi pa ni Kaye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …