Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Buboy Villar Kokoy de Santos Mikael Daez

Buboy, Kokoy, Mikael  ipinagmamalaki mga ginawa sa Running Man PH

RATED R
ni Rommel Gonzales

TINANONG namin sina Buboy Villar, Kokoy de Santos, at Mikael Daez kung ano ang pinakamaganda o memorable nilang karanasan nang nag-shoot sila ng second season ng Running Man Philippines sa South Korea kamakailan.

Lahad ni Buboy, “Actually ang magandang memory po namin doon ay ‘yung mayroon kaming guests. Kasi hindi po namin in-expect ‘yung mga pangyayari.”

Sikreto pa kung sino ang celebrities na tinutukoy ni Buboy, na ang iba ay malamang mga Koreano.

“Hindi ko po masasabi sa inyo, pero gustong-gusto na po naming ipalabas itong ‘Running Man Philippines’ kasi sobrang nakaka-proud bilang isang artista po rito sa Pilipinas na maranasan po ‘yung ganoong pangyayari.

“Huwag po kayong mag-alala dahil kung ano po ‘yung sinasabi ko malalaman niyo rin po iyon. So abangan niyo po ‘yung mga guest.”

Bukod po sa mga pina-experience sa amin na mga talagang never namin na-imagine na mae-experience namin sa South Korea bukod sa guests, ‘yung winter,” bulalas naman ni Kokoy.

First [time], feeling ko tayong tatlo, ‘no, first,” sabay-baling ni Kokoy kina Mikael at Buboy na katabi niya sa mediacon ng Basta’t Sama Sama… Best Time Ever ng GMA.

Lalo na ‘yung snow, first time kong maka-experience ng snow, at siyempre  ito pang show na ito ang nagpa-experience sa akin,” sinabi pa ni Kokoy.

“Dagdag lang ako sa kuwento ni Kokoy,” umpisang pahayag naman ni Mikael, “yung pinakamalamig na araw namin sa Korea was negative 22 degrees! 

“Sobrang lamig niya pero matutuwa kayo kasi nahirapan talaga kami pero masaya pa rin siya,” at natawa si Mikael.

Pagpapatuloy pa ni Mikael, “Part iyon ng challenge and dagdag ko lang din, actually hindi lang sa kanila pero a lot of people here nakatrabaho ko na rin and tama ‘yung sinabi ni Art eh, it’s a family and saktong-sakto nga ‘yung motto nila na ‘Best Time Ever’ kasi I’ve had a lot of really good times with everyone here.

“Well most of them some the others I’ve just met, sina Cheska, and then Angel, I just met her now, Matt.

“But I think doon sa ginagawa namin dito mag-e-enjoy talaga ‘yung mga Kapuso, ‘yung mga nanonood dahil totoong nag-enjoy kami, naging pamilya talaga kaming mga runner.

“And sa tingin ko, iyon ang naihatid namin doon sa mga pinaggagawa namin sa mga game, mga mission, and iyon din ‘yung feeling kong magiging parang strength nito, na matutuwa ‘yung mga tao dahil natutuwa talaga kami ng totoo, so iyon.”    

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …