Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sherilyn Reyes-Tan

Sherilyn sobrang excited sa pagiging public service host

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY bagong public service program ang GMA 7. Ito ang Si Manoy Ang Ninong Ko, na  mapapanood na simula kahapon, Linggo, 7:00 a.m.. Pinangungunahan ang programa ng hosts na sina Sherilyn Reyes-Tan, Patricia Tumulak, Gellie de Bellen, at Manoy himself, dating businessman at ngayon ay public servant, Agri Party-list Rep. Wilbert T. Lee.

Sa tanong kay Sherilyn, kung anong unang naging reaksiyon niya nang i-offer sa kanya na mag-host ng isang public service program? Ang sagot niya,”Sobrang excited po ako. Unang-una nakapag-host na rin ako, so parang na-miss ko.

“Pero kalaunan, naiintindihan mo kung ano talaga ‘yung plataporma niyong programa. Sobrang grateful din po ako na  ipinagdasal ko na matuloy, kasi  medyo nagkaroon ng conflict doon sa isa kong show. So talagang to the extent na talagang nakiusap po ako sa GMA Sparkle na ‘please, parang awa ninyo na ilabas ninyo na po ‘yung permission. Na magawa ko po ito. Kasi talagang  excited na excited po akong Gawin.”

Walang idea si Sherilyn kung paano siyang napili para mapabilang sa Si Manoy Ang Ninong Ko. Pero thankful siya na ikinonsidera siya para rito.

Kung paano po akong napili, hindi ko po alam. Pero ako po’y tuwang-tuwa na talagang ipinagpapasalamat ko po talaga, na ako ay parte ng programang ito.”

Kahapon sa pilot episode ay pinakinggan at tinulingan nina Manoy Wilbert, Gelli, Patricia, at Sherilyn ang mga onion farmer ng Pangasinan, pati na rin ang volunteer sea guardians ng Orani, Bataan.

Huwag palalagpasin ang Si Manoy Ang Ninong Ko tuwing Linggo, 7:00 a.m. sa GMA 7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …