Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam at Catriona kompirmado may pinagdaraanan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SA wakas binigyang-linaw na rin ng talent management nina Sam Milby at Catriona Gray, ang Cornerstone Entertainment na may pinagdaraanan nga ang engaged couple.

Ayon sa ipinalabas na statement ng Cornerstone Entertainment, ginagawa ng aktor at Miss Universe 2018 ang lahat para maayos ang kung anumang problema ng dalawa.

“We at the Cornerstone, as the talent management agency representing artists Sam Milby and Catriona Gra, would like to address the recent rumors surrounding their relationship,” panimula ng Cornerstone.

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together.

“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.

“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shone support for the couple.”

Isa ang relasyong Sam at Catriona ang nababalitang may problema o hiwalay na pero walang paglilinaw na nagmumula sa dalawa.

Bagamat may mga event na dinadaluhan si Sam, hindi ito nagpapa-interview at nananatiling tahimik.

Ang usaping hiwalayan ay napuna ng netizens nang hindi na raw suot ng beauty queen ang engagement ring nila ni Sam. Nasundan pa ito nang mabanggit ni Ogie Diaz ang ukol sa sinasabing breakup. Nadamay din si Alden Richards sa umano’y breakup nina Cat at Sam. Ang aktor daw ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa na agad namang ipinagtanggol ni Cristy Fermin at sinabing, “Si Alden Richards, gagawan na naman ng isyu para putaktihin na naman. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …