Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Park Hyung Sik

Park Hyung Sik sa kanyang Sikcret Agents: I’m not gonna forget all this energy that you gave me

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SOBRA naming na-enjoy ang panonood ng 2024 Asia Tour Fan Meeting: SIKcret Time in Manila ng Korean Superstar na si Park Hyung Sik sa Araneta Coliseum noong Sabado, February 17 handog ng MQ Live at PublicityAsia.

Si Hyung sik ang bida sa K-drama na Doctor Slump na napapanood ngayon sa Netflix. Napapanood din siya sa The HeirsHigh SocietyHwarang: The Poet Warrior YouthStrong Girl Bong-soon at marami pang iba.

Marami palang fans si Park Hyung Sik dahil halos mapuno ang Araneta. Mga 70-80 percent ang sumugod sa Big Dome na mga Sikcret Agents (tawag sa fans niya) para lamang mapanood ang Korean actor.

Hindi naman nakapagtataka na hindi kagiliwan si Hyung Sik dahil talaga namang gwapo at mukhang mabait. Game na game pang matuto at magsalita ng Tagalog kaya talagang katutuwaan siya.

Sa isang bahagi ng kanyang show ay pinuri niya ang mga Pinoy. Kaya nga aliw at talagang na-enjoy niya ang pagmamahal sa kanya ng Sikcret Agents.

Bukod sa nagparinig ng kanyang mga awitin si Park Hyung Sik, aliw din ang mga game na ginawa niya at na-enjoy super ng aktor ang ginawang pagtatanong sa kanya ng fans.

Na-enjoy din ng marami ang mala-Pinoy Henyo na game, na hinulaan ng aktor ang Tagalog words na ibinigay sa kanya. Humanga pa nga kami dahil magaling din siya magbasa ng Tagalog ha.

Nagpakilig si Hyung Sik sa kanyang mga kinantang Off My Face, ang OST ng  Strong Woman Do Bong Soon na Because of You, at iba pa. Dagdag pa ang pasayaw-sayaw ni Hyung Sik kaya naman lalong naging wild ang audience.

Second time na pala ni Hyung Sik sa Pilipinas at nangako itong muli babalik, at maraming projects pa ang gagawin niya para sa kanyang fans.

Tinapos ni Hyung Sik ang fan meeting sa pamamagitan ng isang mensahe. Aniya,“After four years, ngayon lang ako nakabalik. Thank you so much for all your passionate love.

“You know, I believe that you all have a great response when you see ‘Strong Woman Do Bong Soon.’ I can see that you really love that drama here in the Philippines, thank you so much.

“And also for my current show, ‘Doctor Slump,’ thank you so much for your love.

“Now I go back to Korea, I’ll come back with a lot more better project sana magiging excited kayo sa susunod. And siyempre, I want to make more opportunities in the future to meet all of you more. Thank you very much.”

Sinabi pa ng aktor na, “I’m not gonna forget all this energy that you gave me and remember that until my next proiect, I can do it better as well. Thank you!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …