Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Brillantes

Andrea Brillantes itetengga muna ng ABS-CBN?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HOW true na hindi muna bibigyan ng project si Andrea Brillantes after Senior High? Ito’y dahil umano sa pagkakasangkot ng aktres sa hiwalayang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Usap-usapan ang posibleng pagtetenga muna kay Andrea matapos ang magkasunod na pagpirma muli ng kontrata nina Kathryn at Daniel kamakailan sa AB-CBN.

Pero bago kumalat ang usaping ito’y nabalita nang may kasunod agad na project ang aktres dahil maganda naman ang ratings ng Senior High. 

Sa nakaraang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update natalakay nina Ogie, Mama Loi, at Tita Jegs ang ukol sa kung ano na nga ba ang kasunod na project ni Andrea.  

Ani Ogie, “Maganda ‘yung ‘Senior High,’ sobrang kabog ang acting ng mga bata, lahat sila. At may batang nagtanong sa akin kung ano na nga ang next project ni Andrea Brillantes after ng ‘Senior High?’”

“Actually kasi dapat masundan na ‘yon (Senior High). Sana masundan siya. Kasi kahit naman ako, pwede akong maghanap pa o mag-crave ng more sa isang Andrea Brillantes pagdating sa series. Eh, lalo na successful ang ‘Senior High,’”  sey ni Papa O.

May plano ang ABS-CBN kay Andrea dahil may nakausap nga ako sa management na magkakaroon ng sequel ang ‘Senior High’ dahil may clamor at maganda ang serye at sila-sila pa rin ang bida,” dagdag pa ni Papa O.

Despite the fact na may mga issue na involve si Andrea, hindi siya pababayaan ng ABS-CBN,” sabi pa.

Na senegundahan naman ito ni Jegs ng, “Sana.”

‘Sa akin naman, hindi tayo sa issue, mahusay umarte ang isang Andrea Brillantes,” pakli pa ng manager/vlogger. 

Sa totoo lang, sobrang pamba-bash at pagnenega ang natanggap ni Andrea nang masangkot ang pangalan niya sa hiwalayang Daniel-Kathryn. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …