Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shira Tweg 3 in 1 NET25

Shira Tweg, grateful maging bahagi ng ‘3 in 1’ sitcom ng NET25

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MALAKING opportunity para sa showbiz career ng newbie actress na si Shira Tweg ang maging bahagi ng NET25 sitcom titled 3-in-1. Tampok dito ang Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano, Eric Quizon, Epy Quizon, Vandolph Quizon, Boy2 Quizon, at marami pang iba.

Ipinahayag ni Shira ang pasasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanya para maging bahagi ng latest show na ito ng NET25.

Aniya, “I was quite grateful for the chance to showcase my talent again, and I felt incredibly fortunate and content.”

Ano ang role niya rito?

“Dito po sa 3 in 1, ako po si Carmel ang anak po ni Rina which is si ate Donna Cariaga at si Carmel po ang love interest po ni Ross dito which is si Vito Quizon,” esplika ni Shira.

Nag-e-enjoy ba siya sa sitcom na ito? “Though comedy isn’t exactly my thing, I had a great time attempting something different with this sitcom,” matipid na tugon pa ni Shira.

Ano naman ang reaction niya na ang mentor nilang si Direk Eric ay kasama niya rito? “I felt really excited because I really wanna see how it is to work with him and know that I’m gonna work with direk Eric makes the atmosphere feel more comfortable for me,” masayang sambit pa ni Shira.  

Ang 3-in-1 ay ukol sa magkakapatid na hindi magkasundo, pero kailangan nilang magsama-sama sa isang bahay para tuparin ang mga huling habilin ng yumao nilang ama.

Mula sa pamamahala nina Eric at Epy, ang naturang sitcom ay napapanood tuwing Linggo, alas otso ng gabi, sa NET25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …